"What is that guy doing here?" salubong sa 'kin ni Kuya Mat nang ibalita sa 'kin through intel na nasa labas daw si Rafael.
"We'll be talking about something, Kuya," sagot ko nang humalukipkip siya sa harap ko.
Hindi naman sa ayaw, pero hindi rin naman siya gusto ng mga kapatid ko. Noong elementary kami ay nagkagusto sa 'kin si Rafael, iyon ay bago niya nakilala si Alex noong tumuntong kami nimg High School.
I sighed. "Kuya, bata pa kami no'n. Chill, okay? Besides, he has a girlfriend now. He just wants a friend to listen. And I'm his friend."
Nakita kong tumagos ang mga tingin sa 'kin ni Kuya, bago kami ulit nagkatinginan. "I'll be watching him."
Lalo akong napabuntong hininga sa sinabi niya. Lumakad na siya papuntang kusina nang tumango ako.
Pinapasok na sa sala si Rafael kaya roon na ako dumiretso.
"Good morning, Raf," bati ko. "Upo ka."
Umupo siya sa sofa matapos magpasalamat.
"Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin or inumin?"
"Anything will do, Luna," tipid siyang ngumiti sa 'kin. Tumango ako at naglakad na papuntang kusina.
"Manang, si Chas po?" tanong ko nang makarating sa kusina.
"Ah, nasa may pool, hija. Kausap ni Sir Lucas," tumango na lang ako at ako na ang naghanda ng pwede naming kainin ni Rafael habang nag-uusap.
"Ano iyan, hija?" usisa ni Manang. "Ako na riyan."
"May bisita ka ba? Ano ang gusto ninyo at ako na ang maghahanda," alok niya.
"Light snacks lang po, Manang, tutal malapit na rin ang tanghalian."
"Sige, hija."
Tumango na ako naglakad na pabalik sa sala. Tulala lang si Rafael, at nabaling sa 'kin ang tingin nang maramdaman ang presensya ko.
"Kamusta?" tanong ko matapos makaupo sa pang-isahang sofa, katabi ng sofang inuupuan ni Rafael.
"Ito," he smiled sadly.
"Sige, kwento ka na," I urged him. He sighed deeply and started talking.
Agad kumunot ang noo ko sa naging kwento niya. "What the hell? Pinaglalaruan niyo ba akong dalawa?"
"What?" nagulat siya sa tanong ko.
Nagulantang ako nang matapos si Rafael magsalita. Buong kabaligtaran ng mga sinabi ni Alex kahapon ang mga kwento ni Rafael ngayon! What the hell?
Ang sabi niya, dalawang linggo na silang 'di nag-uusap ni Alex dahil nagalit ito matapos alukin ni Rafael ang kaibigan ko ng promise ring, at sabihing balak niyang pakasalan si Alex kapag nakaipon na sila pagkagraduate.
Pero matapos ang alok ni Rafael, bigla na lang raw nagalit si Alex sa kanya. Sinigawan daw siya nito na bakit siya pinipilit na magpakasal sila, kung bakit daw siya minamadaling matali na ngayon pa lang ay inaalok na siya ng singsing. Nagwalk-out daw si Alex sa restaurant na kinakainan nila noong araw na mag-usap sila.
"She told us the exact opposite of your story, Rafael. Are you two toying us?" tinaasan ko siya ng kilay. "Ang sabi niya sa 'min ay siya ang nag-alok na magpakasal kayo pagtapos gumraduate, pero ikaw daw ang umayaw!"
"What?" lalo siyang nagulat. "No! That's not what happened!"
Ilang sandali niyang kinapa ang jacket na sinuot at inilabas ang isang itim na maliit na box, at binuksan iyon. May singsing iyon!
BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Genç KurguSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...