It's been days since I had to tell my family who's crush. What bothered me more is the 'okay' reaction of my brothers when they heard it's Thomas Miguel. They just shrugged. Like, a message was received between the four of them after making eye contact, and then, poof! Their damn was gone after bugging me about it.
And guess what? It's also been days since my brothers' regular visit to the café. It was so annoying! Though, I don't really have the right to ban them from coming into the café, but hello? Coincidence? Hell, no.
Kapag nandito na sila, nakasettle na sa table, they have this annoying smile at my direction. The "We Know Something" kind of smile. Talagang alam nila kung paano ako bi-bwisitin!
Just a couple of days ago, they were here, all four of them. No'ng nakita nilang naroon si Thomas Miguel, niyaya siya nila kuya na lumipat sa table nila at samahan na sila ro'n tutal daw, magkakakilala naman sila, friends naman daw! Heck, I can't remember how I survived that shift feeling all conscious and nervous na baka ilaglag nila ako. Panay ang sunod ng tingin nila sa 'kin, kaya napapalingon na rin sa 'kin ang inimbitahan nila. Malay ko ba kung bakit sila nakatingin? Damn, how anxious I was that time.
"Here's your Carrot Cake, and can of cola. Enjoy your stay!"
We're pretty busy around the café especially now because of a promo we put up, now that December is approaching. If you come to the café in a group of five, you get a reward. It's either you get to order a free dessert of your group's choice, or get a mystery box each. Hindi ganoon ang expectation namin sa outcome ng promo. It was an idea for experiment to see what interests our customers most. Ayon kina Alli, pwede iyon maging series of promos until we reach Christmas Day and New Year. Kaya naman lately, madalas na kami gabihin dahil sa meetings para sa new ideas for incoming promos. Mukha nga kaming nagpo-procrastinate dahil nagmi-meeting kami like everyday, and then after a few more sessions, ia-approve ang idea, and then, execution agad. The ideas are very spontaneous, kaya 'di maalis sa 'min ang pagkabahala kung papatok ba sa customers ang mga plano namin.
"Good afternoon, and enjoy your stay!" hindi nakatingin na bati naming crews sa bagong pasok na customers matapos umingay ang bell sa itaas ng glass doors.
Dahil sa dami ng customers ngayon, halos 'di na namin magawa ang pabalik-balik sa likod ng counter para ihatid do'n ang order ng dinaluhang customer. Ngayon, nag-iipon na kami ng orders bago pa maibigay sa window dahil halos magsabay-sabay na sa pagtatawag ang mga nakaupo. Kaya ang mga kasama kong nagseserve ay palakad-lakad dito sa café, abala sa mga dinadaluhang customer, hindi na nalingon ang bagong dating.
"Library portion, CU, Milkshake," dinig sa buong café. Agad akong napalingon sa banda ng library at nakitang may natapong milkshake nga sa table, maging sa sahig. Agad dumalo ang mga naka-assign sa paglilinis, dala ang isang box. Naroon ang mga cleaning materials. CU means clean-up. Ani Sophia Lianna noon, mas maganda kung may codes kami, at maiikli lang ang announcements para sa mga crew, para raw hindi masyadong maabala ang mga customers. Though announced, she assumed that if customers are immersed in their own world and conversation, they wouldn't bother to look around, or to have the need to be attentive to certain announcements. Gusto niya, may codes na kami-kami lang din ang nakakaalam. Place, Task, Product. Kailangan pang sabihin ang product para malaman kung anong panglinis ang dapat dalhin ng cleaner. Kind of impressive, Mrs. Hidalgo.
Naglalakad na ako papunta sa likod ng counter para ihatid ang limang orders ko.
"Luna Madelaine!" Napalingon ako sa gitnang banda ng café kung nasa'n ang tables nang marinig ang pagtawag. Agad akong napa-ismid nang makitang sina Kuya 'yon. Kasama na naman nila sa kanilang table si Thomas Miguel na seryosong sinalubong ang tingin ko. Nagtaas ng kamay si Kuya El kaya minadali ko ang pagbigay ng orders sa window para agad silang daluhan. Sa pabilog na table, nasa magkabilang dulo si Kuya Shan, at si Thomas Miguel.
BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Novela JuvenilSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...