Kabanata 14

8 0 0
                                    

"Ang dami naman nito?" gulantang na tanong ko nang makita ang mahabang listahan na kaaabot lang sa 'kin ni Alli dito sa opisina.

"Well, that's because it's a business' halloween party, Laine. Not a children's," sarkastikong sagot ni Alli.

"Why not get an expert organizer, by the way?"

"It's heartfelt when did first-hand," sagot niyang muli.

Napabuntong hininga ako. Lahat talaga, may sagot siya. Future engineer ba siya o abogado?

"Alright, I might go home first to get our car. I can't buy all this with Chimmy."

"Oh! I'm so sorry, I forgot to tell you that," napangusong wika ni Alli. I just sighed and shrugged.

"I'll call El and Chin, divide the list into three, that way, it'll be much faster," suhestyon niya.

Tss, business' halloween party my ass, Rain Allison. We're procrastinating, what the hell?!

Tumango na lang ako sa kanya at hinayaan na tawagan ang dalawa ko pang kaibigan. Lumabas muna ako para magtake-out ng makakain habang naghihintay sa dalawa, at para na rin sa byahe.

"Hey, JC. I'd like a box of crinkles, M1, and a Dark Chocolate Frappe," wika ko sa isa ring part-timer dito sa SL Café, si JC.

Should I order something salty, too? Matamis na ang frappe at crinkles, e. I'll just buy junk foods probably at the mall. Damn, these cravings are killing me.

Agad akong tumabi sa gilid para magbigay daan sa susunod na customer, at para na rin hintayin ang order ko.

"Box of Crinkles, and Dark Chocolate Frappe," ani JC habang iniaabot sa 'kin ang nakapaper bag na mga pagkain. Ngumiti ako sa kanya at tumalikod na para muling bumalik sa opisina.

Nang madaanan ng mga mata ko ang ibang customer ay natigilan ako dahil nagtama ang mga namin ni... ng lalaking Hidalgo. Agad akong bumaling at naglakad na muli, dala ang naghuhuramentado kong puso. Dios ko! Kalma, Luna! Nagkatinginan lang kayo!

"Damn, I'm craving for something sweet and salty!" reklamo ko nang makarating sa opisina. Alli was just tapping her nails against the table.

"Hey, hey!" pakanta na bati ni Samantha habang winawagayway ang paper bag na dala nang sabay namin siyang lingunin ni Alli.

Natawa ako at iwinagayway din ang paper bag na dala. "Hey, hey!"

Umupo siya sa katapat kong upuan at isa-isang nilabas ang laman ng dala niya. There were cheese burgers, grilled cheese sandwich, and four cups of coffee. At kung kailan ko rin gusto ng maalat ay ihinulog ng langit ang kaibigan kong ito!

"Oh!" nanlaki ang mga mata ni Alli. "This is one hell of a breakfast."

Natawa kami sa sinabi niya at isa-isa nang binuksan at kinagatan ang dala niya.

"I also brought one for Kris since she told me that she's coming, too," tumango-tango ako sa kanya habang pinupunasan ang gilid ng labi dahil sa cheese.

"Hi, good morning!" natigilan kami nang bumukas ang pinto at sumilip do'n ang ulo ni Kristina, kasunod ang kamay na kumakaway.

"Breakfast?" alok ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya.

"OMG! Good thing I didn't bring breakfast for us!" aniya at bumeso na sa 'min.

"Here's for you," wika ni Samantha at iniabot ang mga nakabalot na para kay Kristina.

"Thank you!" tinanggap niya ito at nagsimula na ring kumain.

Sayang naman ang frappe ko at baka hindi na iyon malamig at masarap mamaya. Iinumin ko na lang agad sa kotse. Yari ako nito panigurado at mananakit ang tiyan ko.

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon