"Hey, Luna."
"Uy, Luna!"
"Wow, Luna! Napadayo?"
Naglalakad ako sa Engineering Building. Iba't ibang bati ang sumasalubong sa 'kin sa paglalakad. Fourth year na rin ang kambal kong mga kuya kaya alam kong break na nila ngayon. Kinailangan ko pa silang tanungin kasi hindi ko naman talaga alam ang room na karoroonan ni Thomas Miguel, o na kung anong oras ang usapan namin para maiabot ko ang reviewer niya.
"What's up, Luna?" nginitian ko ang hindi kakilala nang bumati iyon. Malamang ay kilala nila ako dahil kina kuya.
"H-hi, Luna," uutal-utal na bati sa 'kin ng isang babaeng nakasalamin. Wow! Unang beses iyon na may bumati sa 'king babae dahil ang karamihan, pinapaulanan lang ako ng tingin. Huh, how unusual.
Nandito ako sa ground floor ng building. Dahil nga break nila, for sure he's somewhere, eating with his circle of friends. I wonder where, though. Halatang hindi ako interesado sa ibang bagay at kuntento sa sariling mundo kaya kahit madalas na kainan ng mga estudyante ay hindi ko alam. Maliban sa cafeteria, duh.
"Laine?" napalinga ako nang may isa pang boses babae na bumigkas sa pangalan ko.
"Oh my, Laine!" napatigil na ako sa paglalakad at tumingin sa likod ko. Si Alli! Good thing!
"Hi there!" aniya kasabay ng beso sa 'kin. "What are you doing here? Are you lost?"
Umiling ako nang nakangiti.
"Oh, are you looking for your brothers?" taka niya.
"Uh, your brother, actually..." I trailed.
"My brother?" lalong nagtaka ang itsura niya. "Kuya Miguel?"
Tumango-tango ako sa kanya at iniangat ang papel na dala ko. Lumapat do'n ang kanyang tingin at saglit na nag-isip.
"Oh! You're giving him his reviewer already?" tumango ako uli.
"Nakakahiya kasi. I feel really guilty ruining his reviewer. Sayang ang oras na nabasa sana niya ang mga 'to," paliwanag ko.
"Well, Gigi and I just went to Kuya's table, he's with his friends," aniya. Sandali pa akong tumahimik, umaasa na sasabihin niya sa 'kin kung saan.
Biglang nagulat ang ekspresyon niya. "Oh, right! I'm sorry, I'm so lutang lately," aniya at pabiro pang hinampas ang ulo.
I chuckled at her. "It's fine, Alli."
"Yeah, you know the cemented round tables with trees in the middle of it, right?" tumango ako. "You'll find it located just at the back of the building. Kuya's eating there."
I slightly bowed. "Thank you so much, Alli!"
"No prob! Wasn't informed that we were on the same school. But I guess it's obvs since my brother bumped into you just days or weeks ago," aniya at lumakad na palayo habang kumakaway sa 'kin.
Nagsimula na 'kong maglakad ulit. Some boys kept eyeing me. Probably weirded out that I'm at the Engineering Building. Though, that shouldn't be a question anymore since my brothers are both pursuing that course.
Nang makarating na likod na pinto ng building papunta sa mapunong parte nito kung nasaan ang mga tables ay bigla akong nakaramdam ng kaba.
Yeah, I know that I like him, right? I have accepted that long ago when I got ultimately attracted to his dimples. But having to think that I'll somehow meet his friends... is quite making me anxious. Though, I'm not going to be introduced as someone relevant to him, I'm still nervous as heck. Damn it.
BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Ficțiune adolescențiSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...