Kabanata 21

12 0 0
                                    

Saturday came, itinuloy namin ang 'bonding' na hiniling ni Alex last Monday. Ang usapan ay maagang pupunta ang dalawa, kasama si Raf. We made a decision to make them talk without telling Alex that we'll be inviting her boyfriend.

Maging ang mga Hidalgo ay inimbitahan namin para makasama sa araw na 'to. Naisip ni Sam na baka umatras si Alex kapag nalamang hindi naman pupunta sina Alli. Pero ayoko namang maisip na sila, o siya, talaga ang dahilan ng pagpunta ni Alex sa bahay, hindi ang bonding na gusto niya.

"What if she walks out the moment she sees me?" pag-aalinlangan ni Raf. "Masasayang lang itong ginawa niyo para sa relasyon naming dalawa."

He sighed. "I'm sorry for dragging you three into our own personal problem. Kahit kayo ay pinoproblema itong problema namin."

Umiling si Kristina. "You're our friends, Raf. Plus... she dragged us into this, not you. We'll gladly help because we care about the two of you."

Tumango si Rafael, at muling napabuntong hininga. Ilang sandali pa ay nagsalita si Eric, ang bodyguard ko para sa umagang iyon.

"Miss Luna, the Hidalgos have arrived."

Lumingon kaming apat sa kanya, at tumango ako.

Nagsitayo na kami para salubungin ang mga bagong dating.

"Good morning!" bati ni Alli. Ngumiti ako sa kanya at kumaway.

"Thank you for coming, Alli. Sorry, biglaan, a? Nagrequest kasi iyong isa pa naming kaibigan na baka pwede kayong imbitahan din," sagot ko nang nagbeso kami.

"Hi, Ate Luna," ngumiti sa 'kin si Fia.

"Hello, Sophia Lianna," I pinched her cheek.

"Kailangan talaga buong pangalan, Ate?" tumawa siya. Nanlaki ang mga mata ko.

"You speak in Filipino, too!"

She laughed more. "Of course, Ate!"

"Ano ba 'yan, Fia, short-lived, e!"

Matapos bumeso kay Gigi ay bumaling na 'ko lalaking kanina pa nakatingin sa 'kin.

"Bought you food," inangat niya ang box na dala niya, pizza iyon!

My eyes twinkled at the sight. Too much for breakfast, but I love pizzas! "Hawaiian?"

He chuckled, showing his dimples. "Hawaiian, Luna Madelaine."

Bumaling ako sa bunso niyang kapatid. "See! He calls me Luna Madelaine! It's so annoying."

Napailing sa 'kin ang kaharap ko, nang sumagot si Fia. "You call him by his full name, too, Ate."

I jokingly glared at her that made her giggle. "Fair enough."

"Ako na po riyan, Sir Miguel," aambang kukunin sana ni Chastine ang box nang umapila ang lalaking Hidalgo.

"No, it's okay, I can manage," napalingon sa 'kin si Chas kaya ngumiti ako sa kanya.

"Hayaan mo na, Chas. Makulit 'yan, e. You should rest, ako na muna ang bahala sa mga bisita ko," yumuko siya at naglakad na papuntang kusina.

Nakita kong tumango si Thomas Miguel sa likod ko. Baka nagbatian sila ni Raf.

"What will we do today, Laine?" tanong ni Alli.

"Hmm," I trailed. "Maybe we can swim? And watch a movie, if we still have time before going to the café."

"Alright. You're friend, Alex, doesn't seem to mind the December breeze? She wants to swim today, right?"

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon