Kabanata 38

16 0 0
                                    

After finalizing a few details for the wedding, lumipad ako pabalik ng Maynila para nga sa ipapakilala ni Miguel na binanggit niya sa 'kin ilang araw ang nakalipas. Ang totoo, hindi ko pa rin alam kung sino ang ipapakilala niya sa 'kin. Ni pangalan, wala siyang nabanggit para naman mapaghandaan ko. Kamag-anak ba? Kaibigan? Hindi ko alam.

Nakaabang na sa bahay si Miguel. Ang sabi niya, roon na lang niya ako kikitain, at susunduin. Pwede akong magpahinga sa byahe kung sakaling pagod ako.

Wearing a white square neckline crop top shirt, a high-waist maong pants until my ankle, and a stilletos, bumaba ako ng sasakyan. Hinawi ko ang kulot na mahaba kong buhok habang tinitingala ang gate namin.

Wala sila Mommy ngayon kaya hindi ko na rin kailangang pumasok para bumati o ipaalam sa kanila ang pagdating ko.

Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang gate namin, at niluwal nito si Miguel. Agad akong ngumiti at kumaway sa kanya nang magtama ang mga mata namin.

Nahigit ang hininga ko nang hilahin niya ang kamay ko papunta sa kanya, kasunod ng aking katawan na marahang humampas sa kanyang dibdib. Immediately, his arms snaked around my waist, with him placing his chin on top of my head. Huminga ako ng malalim, at agad na naamoy ang kanyang pabango. Ang gwapo naman ng amoy nito! Ang bango bango!

"I missed you..." he whispered.

Agad aking napatingala para tignan, at ngitian siya. "Namiss din kita."

"Really?" he suddenly looked amused.

"Oo," muli akong yumakap sa kanya. "Wala akong katabi matulog sa mansion, e. Wala ring laging nakadikit sa 'kin. 'Di na ako sanay..."

He chuckled. "So, you're clingy now, too."

"Tss, it's your fault! Ikaw kasi! Ayaw mo humiwalay sa 'kin! Ayan tuloy, hindi na sanay ang katawan ko kapag malayo ka sa 'kin!" lalo siyang natawa. Lalong lumaki ang ngiti ko nang mabilis na dumampi ang labi niya sa 'kin, at ginawaran ako nang isang mababaw na halik.

I pouted when it was over already. Muli siyang natawa, at hinalikan pa ako. "You're so cute. Come on, I'll bring you to two? Or probably three places today."

"Three? Ang dami naman..." napanguso ako nang dumaan ang tingin ko sa kanyang leeg papunta sa kanyang dibdib.

Ngumisi siya, at lumapit sa 'kin para bumulong. "As much as I want to make out with you, we don't have much time."

Sinamaan ko ang tingin sa kanya habang nararamdaman ang pag-init ng mukha. He's so naugthty! Pero... pwede naman siguro 'to ipagpabukas, 'di ba?

"Saan ba kasi tayo pupunta, at sino ang ipapakilala mo?" tanong ko sa kalagitnaan ng byahe. "Tss, ilang gabi na akong hindi nakakatulog kakaisip kung sino ang gusto mong kitain nating dalawa."

Nanatili sa daan ang kanyang tingin nang sumilay sa kanyang mga labi ang isang ngiti.

"You'll see," I groaned. Pero dahil sa pagod mula sa byahe papunta rito sa Maynila, ilang saglit lang ay nakatulog din ako sa byahe.

Nagising na lang ako sa marahang haplos sa aking pisngi, at ilang mababaw na halik sa aking balikat.

"We're here," aniya nang magising ako. Saglit akong kumurap, bago tinignan ang paligid sa labas ng sasakyan.

"Where are we?" kumunot ang noo ko. Ngumiti lang siya nang magkatinginan kami. Mula sa back seat, kinuha niya ang isang boquet ng white roses.

Bumaba na kaming dalawa. Nagpatuloy ako sa pagsuyod sa paligid habang hawak ang kamay ni Miguel, at tahimik kaming naglalakad. The wind was softly blowing against us, making the trees dance.

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon