"Sigurado ba kayo na gusto niyo talagang gawin 'to?" tanong ni Samantha sa dalawang dalagang Hidalgo.
Nagkatinginan sila at tumango kay Samantha.
Napanguso ang kaibigan ko, at mistulang tinatantya ang sitwasyon habang nanliliit ang mga mata na nakatingin sa kanila.
Hindi ako umiimik. Sinusubaybayan ko lang ang tatlo habang katabi sa Kristina.
"Are you comfortable?" tanong muli ni Samantha.
Napabuntong-hininga si Alli bago nag-angat ng tingin sa kaharap. "Yes, El. We told you already. We want to experience every work here before we properly manage the café." Nanatiling tahimik si Gigi sa tabi niya.
Hindi nagsalita si Samantha.
"'Wag niyo sanang masamain, Alli, Gigi," singit ko. "Hindi lang kami komportable na ipagawa sa inyo ang mga ganitong bagay dahil kahit na magkakaibigan na tayo, hindi maitatanggi na mga boss din namin kayo."
Alli groaned. "Oh, come on! It's been days since we started, Laine. We're very much willing and comfortable with this."
"Yes, we know that. Pero, nakakahiya kasi. Okay lang sa 'min no'ng mga nakaraang araw na maging servers kayo tulad naming tatlo. Pero to let you clean the bathroom?" Bahagyang nakasimangot na si Samantha habang kausap ang dalawa.
Nandito kaming lima ngayon sa opisina. Ilang minuto na kaming nag-uusap para sa mangyayari sa dalawang Hidalgo para sa simula ng linggong ito.
Tulad ng napag-usapan, hanggang linggo ay pagse-serve ang magiging gawain nila tuwing shift nila. Pero dahil lunes na, pinag-uusapan pa namin ang magiging gawain nila dahil hindi naman 'yon na-discuss last week.
"Luna, labas na muna ako. Baka kailangan nila ng server," bulong sa akin ni Kristina. Napalingon ako sa kanya sa sinabi.
"Kayo naman ni Sam ang in-charge, right? I'll go and do my job," paliwanag niya. Hindi na ako nagkaro'n ng pagkakataon na makapagsalita dahil matapos ang marahang pagpisil sa aking braso ay lumabas din agad ito.
Tahimik kaming lahat sa loob. Bumuntong-hininga ako bago nagsalita.
"Let them be, Sam. Sabi naman ni Kuya Robert na wala rin naman tayong magagawa sa gusto nilang gawin, 'di ba?" pangungumbinsi ko sa kaibigan. Agad na umaliwalas ang mukha ni Alli na mukhang nagpipigil pumalakpak dahil sa sinabi ko.
"It's a lot of work, Alli, Gigi," baling ko sa kanila. Tumango lang sila sa 'kin. "Pero hindi ko masisiguro kung dapat niyo bang simulan agad ang paglilinis since maaga pa, at for sure, may mga customers na gagamit ng bathroom. Hindi naman maaari na wala silang magagamit since pinagpa-planuhan pa lang ang pagi-install ng panibagong CR."
"That's no problem," ani Gigi. "We could just wait 'til the café closes before we clean the entire bathroom."
"We could also wait outside just in case we'll need to mop the floor, or something," she proposed.
Lumingon ako saglit kay Samantha bago ibinalik ang tingin sa magkapatid. "Okay, that could work. For the mean time, if by chance that you're not yet needed in the bathroom, you can go serve if you want or just rest here in the office and wait to be notified."
"No! No! We'll serve if we're not going to clean, yet," apila ni Alli. Tumango na lang ako sa kanya at hinarap na si Samantha.
"Let's go. Alam niyo naman na ang mga dapat gawin, 'di ba?" Nakangiting tumango sa akin si Alli bago sumunod palabas ng opisina.
Medyo puno ang café kaya mabuti rin na hindi muna sa bathroom ang atensyon ng magkapatid dahil mukhang kakailanganin din pala namin ang tulong nila sa pagseserve.
BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Roman pour AdolescentsSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...
