"Alright," panimula ni Gigi. Maaga kaming lahat ngayon sa café, alas otso pa lang ng umaga ay kumpleto na lahat ng crews. "Morning and afternoon shift, would you prefer to exchange your tasks when the morning shift is done?"
Pinasadahan niya kaming lahat ng tingin. Kahit ako ay napatingin sa mga kasama ko na nakatingin din sa mga katabi.
"What would be more convenient for all of you?" habol ni Alli.
"Since we're all taking the whole-day shift, baka mas okay ang whole day din tayo sa mga gagawin natin?" ani Ate Sally, isa sa mga kitchen crews.
Nakita kong tumango sa kanya si Ate Karen. "I agree. Mahirap na magsalit ang teams sa mga gagawin nila lalo na't ang afternoon shift ang mas maalam sa magiging ayos ng café."
"Since sila talaga ang in-charge do'n, mas okay na sila na lang do'n dahil mahirap din na umulit kapag mali," wika ni Kuya Robert.
"What about you, guys?" baling ni Alli sa 'min.
Muli kaming nagkatinginang lahat. "Kung sa tingin nila ay mas ayos iyon."
Tumango-tango ang karamihan, maging sina Alli at Gigi. "Alright, the morning shift will be taking care of the orders and all. The afternoon shift will be decorating. Any more suggestions?"
Tumango lang siya nang wala nang nagsalita sa 'min. "You may all prepare."
Nang makalabas sa opisina ay agad na tumunog ang cellphone ko. Si Kuya Shan, natawag. Kumunot ang ulo ko. Ano naman ang kailangan niya nang ganito kaaga?
"Good morning, Kuya," bati ko.
"Baby Luna!" aniya. "Nakasakay kami ngayon sa sasakyan natin ngayon."
"And? What am I going to do with that info?"
I heard him scoff. "Sungit!"
"Anyway, I'm with the rest. On our way to the café to help the decorating," wika niya. "Today's the preparations for the party, right?"
"Uh, yes, Kuya," sagot ko. "But I haven't informed the Hidalgos about this. I'll inform them if it's okay."
"Hidalgo, huh," rinig kong kumento ni Kuya Mat.
"Whatever," irap ko. "I'll go and speak with them. Malapit na ba kayo?"
"Yes, bunso," ani Kuya Mat. "We brought you all breakfast, too."
"How generous," kumento ko. "Thank you, Kuyas. I'll see you later."
Nang mamatay ang tawag ay agad akong lumapit kina Gigi para magsabi. Pumayag naman sila. Anila'y maging ang Kuya at bunsong kapatid nila ay tutulong sa mga gawain sa café.
Halos kabahan ako sa naisip na magkikita kami ni Thomas Miguel ngayong araw matapos ang mga sinabi niya sa 'kin kahapon. May gusto na ba siya sa 'kin? Bakit ganoon na lamang ang mga sinasabi niya? May pinapahayag ba siyang iba? Assuming lang ba ako?
Nagsisimula na ang mga kitchen crews sa paghahanda sa kusina. Ang cashiers ng morning shift ay nakaantabay na sa counter dahil bukas na ang café. Habang kaming afternoon shift, maging ang servers at maintenance ng morning shift ay tumutulong pa habang wala pa raw customers.
Nahati kami sa dalawa, isa sa taas, at isa rito sa baba. Pinaghihiwalay na namin ang mga upuan at mga lamesa, kasama ang bean bags, at long table ng library. Mamaya ay may darating na dalawang truck. Isa para sa mga inaayos naming gamit ngayon, dadalhin sa sariling storage ng café. Ang isa naman ay para sa mga sofas at high tables. Dahil party naman ang mangyayari, naisipan namin na i-resemble ang buong lugar sa isang bar. May mga upuan, high tables, at espasyo para sa sayawan. Maghahanda rin kami ng maliit na entablado para sa hosting, awarding, performances.
BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Подростковая литератураSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...