Kabanata 19

9 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw, at ngayon ay Disyembre na. Lalong lumamig ang simoy ng hangin dahil sa nalalapit na Pasko.

Sa mga nagdaang araw ay napadalas ang pagbisita ng mga Hidalgo rito sa bahay. Iyon ay dahil nagpapaalam sila na pumunta rito, o 'di kaya nama'y iniimbitahan sila ng mga kuya ko. Madalas ang pangalawa dahil kamakailan lang ay nahihilig na naman sina Kuya sa paglalaro ng basketball. Minsan ay sumasali pa si Daddy, habang si Mommy ay kami ang pinapagawa ng merienda naming lahat. Parang naging extended family namin ang nga Hidalgo sa dalas nila rito, na hindi na nila kailangang ipatawag si Chastine para papasukin sila dahil kusa na silang pinagbubuksan ng guard namin.

My family grew fond of them, as I grew closer to the siblings, especially to the eldest.

Madalas, kapag natatapos ang laro nila ay nagkukwentuhan kami. Minsan, sa garden kami nakatambay. Minsan, sa pool, ibinababad namin ang mga paa at binti sa tubig.

Nakasweater at cotton shorts ako ngayon, nakatayo sa terrace ng kwarto ko habang sumisimsim sa hot chocolate na kakakuha ko lang sa kusina.

Weekend ngayon, at dahil walang pasok, gumising ako nang maaga para lang damhin ang malamig na umaga. Nakaharap ang banda ng kwarto ko sa play ground na wala pang tao. Syempre dahil maaga pa. Ngunit ang katahimikan at ang kawalan ng galaw sa play ground ay nagdulot sa 'kin ng kapayapaan.

Ngayong araw ay balak naming magkita-kita nina Sam, kasama si Alex na ngayon na lang ulit namin makikita matapos ang Halloween Party. Aniya'y gusto niya ng makakausap at makakasama dahil sa pinagdadaanan. Nagulat nga ako no'ng nagtawagan kaming magkakaibigan ay umiiyak siya. Tingin ko'y may problema siya sa relasyon nila ni Rafael. Ayaw ko na sanang hayaan pang madamay ako sa kung ano ang nangyayari sa kanila, pero nang isumbat sa 'kin ang pagkakaibigan namin ay wala na akong nagawa kung 'di ang paunlakan ang pagkikita namin.

Dumaan ang pagtataka sa 'kin nang nasabi niyang yayain ko sina Alli, at Thomas Miguel na sumama sa 'min. Hindi ako umimik nang banggitin niya iyon, pero kusang umapila sina Samantha na kami-kami na lang muna dahil ngayon na lang ulit kami magsasamang apat. Naalala ko ang nabanggit na lakad ng mga Hidalgo kaya naisip ko na kahit pilitin pa ako ni Alex na isama sila ay magiging imposible iyon. Ayokong pag-isipan siya ng kung ano dahil magkaibigan kami. Pero baka nga nag-iisip na ako dahil sa mga kinikilos niya. Pero wala kaming alam... wala akong alam. Kaya wala rin akong karapatan na husgahan siya at bigyan ng sariling kahulugan ang mga sinasabi niya.

Matapos ang ilang minutong pagtitig sa kawalan ay tumunog ang cellphone kong nasa bed table. Nang lingunin ko iyon ay nakitang si Thomas Miguel ay tunatawag.

Kinuha ko iyon at sinagot. "Hello..."

"Good morning," he greeted in a low growl. Napangiti ako sa sarili. Anong mayroon at ganito siya kaaga tumawag?

"Good morning, what's up? Ang aga mo atang napatawag," wika ko. He softly chuckled.

"I just want to hear your voice before I get up," aniya.

"Ang aga mo pong mambola, Mr. Hidalgo," bahagya akong natawa.

Tumawa rin siya, kaya agad na nanatili ang ngiti sa 'kin. "I'm serious, though. What about you? Why are you up early?"

"Hmm," muli kong nilingon ang play ground. "Wala lang, gusto ko lang gumising nang maaga."

"I'll be attending to some family matters today, that's why I'll be preparing early," wika niya. Tumango-tango ako.

"Yeah, I remember."

Nilingon ko ang orasan ko at nakitang maga-alas sais pa lang ng umaga. Mukhang marami silang aasikasuhin para gumising nang ganito kaaga. Ano kaya iyon?

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon