"Why are you spacing out? You okay?" ani Kuya Mat. Nandito na kami ngayon sa sasakyan, hiwalay kina Mommy.
"Yeah," mahinang sagot ko.
"Baby Luna," tawag ni Kuya Shan mula sa front seat. "Don't tell me you did embarrass yourself last night?"
Napanguso ako sa tanong niya. "You did?!"
Nanlaki ang mga mata niya at napalingon sa 'kin lahat ang mga kapatid ko.
"Holy shi—"
"Language," ani Kuya Tin.
"Zams of meat balls," tuloy ni Kuya Mat. "What did you do?"
"Can we not talk about it?" pagalit kong sabi.
"Oh, hell, no!" si Kuya Shan. "You freaking spilled the secret about me being womanless! I'll torture you now!"
"So?" si Kuya Tin iyon. Sinamaan ko siya ng tingin. Narito siya sa kanan ko, si Kuya El naman sa kaliwa. Nasa harap ang kambal, at si Kuya Mat ang nagdadrive.
"Oh, give me a break," tanggi ko.
"Spill," untag ni Kuya El. I huffed and crossed my arms. Agad akong sumandal, at kita kong inaabangan nilang lahat ang sasabihin ko.
"I confessed last night," everyone in the car groaned. Lalo akong napasimangot sa reaksyon nila.
"You did?! Luna naman! Weakling ka talaga!" reklamo ni Kuya Shan.
I groaned again, and shared my misery with them. "I know, I'm stupid!"
"That Hidalgo covered up for you," ani Kuya El. "He told us that you passed out in the middle of the drive."
"Oh, of course, he'll cover it up! Nakakahiya kaya, Kuya!" wika ko.
"For sure, iniisip no'n na gugulpihin natin siya dahil umamin sa kanya ang bunso natin," singit ni Kuya Shan. I groaned again. "What did he say? Did he reject you?"
"Hell no!" I strongly disagreed. Pero agad din akong natahimik nang mapaisip. "Pero hindi rin naman niya sinabi kung gusto niya rin ako."
Sabay na humalakhak ang kambal sa harap kaya nahampas ko sila sa braso. "Aw! You're so freaking violent, bunso!"
Nagpatuloy pa ang pag-uusap, o pang-aasar nila, namin nina Kuya tungkol sa naging pag-amin ko kagabi. Syempre, hindi ko sinabi ang iba pang nangyari katulad ng pagsundot ko sa dimple niya! At ang pagsasabi na ang ilegal niya dahil sa kagwapuhan niya! Sinabi ko pang hindi ko siya crush noong unang kita namin dahil bastos siya noon! Dios ko talaga, Luna Madelaine! Kung anong puri mo ay siyang bawi mo talaga! Gaga kang babae ka! Gagang-gaga!
Maulan ngayon kaya medyo maputik ang daan sa sementeryo. Lahat kami ay nakasweater at khaki shorts, ako lang ang nakadenim shorts dahil baka isipin daw nila na tomboy ako, lalo na't lumaki sa mga kuya. Pero imposible daw iyon dahil umamin ako sa crush ko kagabi. Epal talaga, Kuya Shan!
Matapos ang pagbisita sa puntod nina Lolo, pag-ooffer ng prayer, ay umalis na kami at kumain sa labas. Ngayon ay nasa bahay na kami, kauuwi lang din. Agad akong umakyat sa kwarto para maligo at magbihis ng pambahay.
"Holy shi—naneggans! Oh, my God, Luna naman!" sigaw ko nang buksan ang instagram ko ang kalukitin ang account ko.
moonie_maddie: tjsnk u fpr da ridw
tmigz_hidalgo: You're welcome, Luna Madelaine. Rest well.
moonie_maddie: did i liek mu shits,
tmigz_hidalgo: Yes, Luna. The photos taken by you are all great.
tmigz_hidalgo: Can I upload our picture and tag you?

BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Ficțiune adolescențiSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...