Two weeks have passed, and classes already resumed. Dalawang linggo na rin ang lumipas simula noong... nagka-aminan kami. Ang bilis. Hindi ko namalayan ang oras.
"Luna! Luna! May naghahanap sa 'yo sa labas! Luna!" sigaw at patakbong lumapit sa pwesto ko si Amy, blockmate ko.
Break na namin ngayon, at ilang subjects na lang ay uwian na.
"Sino naman?" usisa ni Samantha. Nagtaas ako ng kilay sa kaklase.
"Sina Kuya ba?"
"Nako, hindi!" nakangising sagot niya. "Halos kasing gwapo, pero lalaki rin!"
Agad na humataw ang puso ko. Siya kaya iyon?
"Gwapo? Sino naman 'yan?" si Kristina naman ang nakuryoso. Nanliit ang mata nila sa 'kin, kaya agad akong nagkibit balikat.
Tumayo na 'ko para puntahan kung sino 'yon. Nanlalamig na ang mga kamay ko sa kaba. Wala namang ibang lalaking bumibisita sa 'kin maliban sa mga kapatid ko. At wala ring mangangahas na sumubok dahil kina Kuya. At sa lahat ng naglakas-loob, sa kanya lang magaan ang loob ng mga kuya ko. Siya nga kaya 'yon?
"Luna Madelaine," ngumiti siya sa 'kin. Holy shit! Agad na naningkit ang mga mata niya, kasabay ng paglitaw ng mga dimple niya sa kanyang pisngi. Ang gwapo! Ang gwapo gwapo!
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil nandito siya. "H-hi, what are you doing here?"
Inangat niya ang dala niyang paper bag, at isang set ng milkshakes. Agad akong lumabas para lapitan siya. Nakakahiya na nakikita kami ng mga kaklase ko, baka pagchismisan pa kami!
"Ano 'yan?" tanong ko sa dala niya. Hindi nawala ang ngiti niya habang pinagmamasdan ako. Agad akong naconscious kaya panay ang hawi ko sa buhok ko.
"I brought you food. It's your break, right?" tumango ako sa kanya.
"Hala," I gushed. "Sana hindi ka na nag-abala. May klase ka pa, talagang dinalhan mo pa 'ko ng pagkain."
"Well, I want to," aniya. Napanguso ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Para naman siyang sira! Nakakahiya!
"I was planning on you bringing you food. But I remember your friends, so I added two more," dagdag niya. "These are Grilled Cheese Sandwiches, and Chocolate Muffins. Those are plain milkshakes."
Uminit ang puso ko. Ang sweet naman niya. Totoo ba talaga siya? Baka naman nananaginip na lang ako.
Inabot niya iyon sa 'kin kaya malugod kong tinanggap. "Thank you, ah?"
"You're always welcome," he smiled again. "Don't worry, I bought my sisters food, too. It won't be unfair."
I chuckled at his statement. Talagang hindi niya nakakalimutan ang mga kapatid niya. Ang sweet maging kuya!
"Sam will be delighted. Thank you so much," wika ko. Tumango siya at ngumiti muli. Hindi ata akong magsasawa sa dimples niya. Ang cute-cute niya 'pag nakangiti siya. Mukha siyang masungit dahil sa salamin, pero 'pag ngumingiti siya ay parang lumiliwanag ang buong mukha niya.
"I'll go now so you can eat," aniya. Tumango ako at naglakad na kami pabalik sa pintuan ng room namin.
"Thank you ulit, ah?" ngumiti ako sa kanya at kumaway. "Ingat ka pabalik."
Ngumiti siya lalo at iniangat ang kamay para magpaalam. Kumunot ang noo ko nang iwagayway niya ang kamay niya.
"Go in," he mouthed. I chuckled at how cute he is. I wonder if he knows that?
Muli akong kumaway at tumalikod na. Paniguradong umalis na 'yon dahil pumasok na ako.
"Sino 'yon, Luna? Gwapo!" ani Amy. Ngumiti lang ako sa kanya at 'di sumagot.
BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Novela JuvenilSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...
