Kabanata 22

13 0 0
                                    

I pondered on Alex's words.

Ayaw umabot sa puntong isisisi niya sa 'kin ang pagkasira ng mayroon siya? Does that mean they didn't break up? Sila pa rin? Pero...

Napabuntong hininga ako. Muling umalingawngaw sa 'kin ang mga sinabi ni Alex. 'Wag na raw akong mangielam. I was hurt. It hurt. Dahil kaibigan ko sila. At mahalaga sa 'kin ang relasyon nila, tila ba sa pagdaan ng panahon ay naging parte ako noon dahil... saksi ako sa pagmamahalan nila. Pero deep inside... alam kong tama si Alex. Nangingielam nga ako.

Nangingielam ba ako?

Oo, Luna.

Alex just wanted someone to hear her out, to have someone share the burden with, even just for a while. Hindi niya kailangan ng taong... susubukang ayusin ang problema dahil... hindi naman iyon ang gusto niya. Gusto niya lang ng... kaibigang makikinig sa kanya. Kaya... tama siya. Nangingielam nga ako.

Pero paano ang sitwasyon namin?

Binaligtad niya ang kwento.

Kailangan ko bang iconsider iyon bago tuluyang hayaan ang sarili na maapektuhan at mawasak sa mga salita niya? Paano ko titimbangin? Ano ang dapat kong para sa kanila? Bilang kaibigan?

Wala, Luna. Dahil hindi ka naman parte ng relasyon nila. Tama si Alex. Kung ano man ang mayroon at nangyayari sa kanila ay... kanila iyon. Tulad ng mga salita ko kina Samantha. It's not my relationship to start with. Ang pumayag sa pag-imbita at pag-usapin silang dalawa ay... isang kahibangan. Isang pangingielam.

Paano kung tuluyan silang nasira dahil sa 'kin? Dahil sa ginawa ko? Ano ang gagawin at magiging reaksyon ko? Panigurado, sobra-sobra ang guilt na mararamdaman ko. Paano kung nagalit na rin sa 'kin si Raf dahil sa nasira silang dalawa dahil sa 'kin? Hindi ko ata kakayanin na magalit silang dalawa sa 'kin. Mabuti na rin siguro na... naalog ako ng mga salita ni Alex. Kahit masakit.

"Tulala ka," marahan akong binangga ni Kristina nang makabalik dito sa pwesto namin, sa likod ng counter.

Nilingon ko siya at ginawaran ng maliit na ngiti. "Ayos lang ako."

"Really?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Oo naman."

"Mabuti," she breathed. "Para sa araw na baka isa sa mga hinihintay mo, o ginusto man lang, masyado kang nakasimangot."

Napabuntong hininga ako.

Hindi niya alam ang mga sinabi sa 'kin ni Alex.

Nang maihatid ko si Alex sa labas ng gate, papunta sa Vios na naghihintay sa kanya sa labas, tahimik akong bumalik sa pool.

Sinubukan kong itago sa mga ngiti ang mga itinapong salita sa 'kin ni Alex. Ayokong makonsensya rin sina Sam.

"Nakauwi na?" lumingon sa 'kin si Kristina nang makabalik ako sa inuupuan ko.

"Oo."

"I can't believe she went home wearing her bikini under her crochet dress," Kristina commented, then she shrugged. "But, oh well, her choice of clothes aren't really my business anymore. Hindi ko na pakikielaman pa."

Parang may pumiga sa puso ko nang marinig ang huling sinabi ng kaibigan. Hindi na pakikielaman pa. Bakit hindi ko iyon inisip agad bago ako nagdesisyon? Hindi ko ba talaga naisip?

"It doesn't matter anyway," ani Sam. "For sure, someone fetched her, so leaving in those clothes is... not a big deal."

Magkakasunod kaming tatlo dito sa pabilog na lamesa katabi ng pool. Ibinulong niya iyon para kami lang ang magkarinigan. Ang mga Hidalgo ay nagkukwentuhan din. Pinagtatalunan nila kung masarap ba talaga o hindi ang Hawaiian Pizza. Nakita kong ngumiti sa 'kin si Thomas Miguel nang ngiwian ni Gigi ang dalawang kapatid na todo ang pagtatanggol sa pagiging bagay ng pinya sa pizza. I softly chuckled at their conversation. They're really adorable.

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon