Kabanata 36

13 0 0
                                    

Ilang araw matapos ang dinner ng aming pamilya, pati na rin ng mga kaibigan, lalong nangulit si Mommy tungkol sa detalye ng aming magiging kasal.

Ang totoo, hindi pa rin kami makapaniwala na magpapakasal na nga kami ni Miguel. We kept gushing about it, but yet, we haven't really discussed anything about it. Basta ikakasal... tapos.

Lagi kaming nauuwi sa landian kapag sinusubukan naming pag-usapan. Paano, gusto niya nasa kandungan niya ako nakaupo. E 'di ayon... wala kaming napag-uusapang matino. Ewan ko ba! Para siyang tuksong nagsakatawang-tao. At ako... bilang tao lang... mahina, marupok.

I grinned at that thought. Nakakainis! Kahit nasa public pa ako, basta maalala ko siya at ang mga kalokohan namin, talagang pinamumulahan ako ng mukha! Damn it, Miguel!

Isang linggo bago ang pasko, agad akong nagtungo sa pinakamalapit na mall para bumili ng mga regalo para  sa aking pamilya. Gusto ko ng mas mahabang oras para makapamili ng maayos ngayon, lalo na't nadagdagan na ang miyembro ng aming pamilya. Plus four!

Balak ko sanang bilhan ng anklets kaming mga girls. Pero naalala ko, may warning sina Samantha tungkol sa ganon. Anila'y kapag naka-anklet daw ang isang babae, ibig sabihin no'n ay nasa isang open relationship daw siya. Iyong may consent ng bawat isa na makipagkita sa ibang tao na natitipuhan mo kahit na may asawa ka na?

Agad ko iyong cinross-out sa aking mental list lalo na't mga may asawa na ang reregaluhan ko! Dios ko! I'd still buy them accessories, just minus the anklet!

I sighed at the thought. Isa sa mga gusto ko ang anklet, sa totoo lang. Hindi ko rin alam. Through the years that I lived in Batanes, I grew fond of anklets because it sonehow adds something to your outfit? It's cool kaya! And now, I can't believe I'm believing my friends' words. But who knows, right? Wala namang mawawala sa 'kin kung maniniwala ako. Kung totoo pa iyon, e 'di nailigtas pa ako ng paniniwala ko kina Sam!

I sighed, hindi ko na muna aasikasuhin ang regalo para sa mga babae. Agad akong nagpunta sa mga laruan. Bibilhan ko muna ng mga laruan ang mga pamangkin ko. Arch is interested with cars lately, and transformers. While Dom-Dom likes guns. Agad tumagilid ang ulo ko. Is it safe to buy him guns, though? Hindi ba masyado pa siyang bata para doon?

Humarap ako sa dalawa kong bodyguard na kasama.

"Do you think it's okay to buy my nephew a toy gun?" napanguso ako. Their expressionless face remained expressionless, before looking at each other, then to me.

"I think it will be fine if it's just a toy," si Eric. Tumango-tango naman si Blue.

"True. Pwede naman iyong mga baril na maingay lang?" napangiwi ako sa suhestyon niya. "What? It's safe!"

"Really, Blue? Iyong maingay lang kapag hinila mo ang trigger?" I looked sarcastically at her. "My nephew is smart, Blue. He'd realize it immediately."

She just shrugged, while Eric spoke. "E 'di ibili mo na lang siya ng baril na pwedeng i-kasa. Hindi iyong pellet gun na lalagyan ng bala."

Napanguso ako sa kanyang sinabi. Hmm, that could work.

"Alright, thanks."

Nag-ikot kami sa store para sa toy gun, at toy cars. Ang binili ko kay Arch ay iyong sasakyang nay remote control. Though he's still three, I hope he'd enjoy driving the car against a wall with its remote control. Pati na rin mga maliliit na sasakyan from Hot Wheels na kusang umaandar kapag inatras mo sa sahig, iyong parang masstretch ang gulong? Basta! Hot Wheels!

Para naman sa baril, I still bought Dominic a pellet gun. Iyon lang kasi ang available, maliban pa roon sa mga maiingay na baril. I just texted Kuya El about it.

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon