Kabanata 12

8 0 0
                                    

tmigz_hidalgo: Hey.

Huminga ako nang malalim at nagtipa ng sagot.

moonie_maddie: hi :)

Nakakakaba! Ang huling message din niya ay 'hey', at halos apat na araw na ang nakalipas! Hindi ko na 'yon tinignan at sinagot dahil nag-aaral ako. At nagtatampo...

Oo nga't wala akong karapatan na makaramdam ng gano'n dahil wala namang kahit ano ang namamagitan sa 'min. Pero alam mo 'yon... umasa ako na tutupad siya kahit maliit na bagay lang 'yon.

tmigz_hidalgo: My sisters wanted to thank you for today and for the photos.

Agad na kumunot ang noo sa nabasa. Nagmessage siya para lang diyan? Baka naman... O sige, Luna! Magbigay ka pa ng rason at umasa ka, sige!

moonie_maddie: ty din for coming! i had fun, tell them no worries!!

Agad akong pumikit. Nakakabaliw naman pala ang makipagplastikan sa sarili! Gusto kong manumbat, o! Nagtatampo kaya ako!

Napabuntong hininga na lang ako nang lumipas ang limang minuto at 'di pa rin siya sumasagot. Baka nga nagmessage lang siya para magpasalamat. Muli akong napabuntong hininga.

tmigz_hidalgo: By the way...

tmigz_hidalgo: I actually wanted to talk to you earlier.

tmigz_hidalgo: But I didn't get the chance.

Napasinghap ako sa nabasa ko. He wanted to talk to me? Oh, my God! Oh, my God!

Tumikhim ako para sumagot.

moonie_maddie: really? talk abt what

Kinagat-kagat ko ang kuko ko sa kaba sa magiging sagot niya. Tungkol saan ang gusto niyang sabihin? Iyong libre niya na hindi natuloy? Tungkol sa'n?!

tmigz_hidalgo: Well...

tmigz_hidalgo: I want to discuss it to you in person. Is that okay?

Discuss? In person? Ano 'to? Business ba ito? Agad kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

moonie_maddie: you're so formal kahit sa IG hahaha!

tmigz_hidalgo: Why? You don't like it?

tmigz_hidalgo: I've read that girls kinda like guys who type messages in complete form. Or in complete sentence.

Muling nahaklit ang hininga ko sa sinabi niya. Ano raw?! May iba ba siyang ibig sabihin?! Formal ba siya magtype para sa 'kin?! Napakapaasa naman nito! Lord, o!

moonie_maddie: well... ig? it is kinda attractive

Kinagat ko ang labi ko sa naging reply ko. Am I giving him clues that he's attractive because of it? Hindi naman siguro? Sinagot ko lang naman ang sinabi niya, hindi ba?

tmigz_hidalgo: Really? That's good.

tmigz_hidalgo: I mean, that's cool.

Kumawala na ang ngiti kong kanina ko pa pinipigilan. He's so adorable! Wala na akong masagot kaya ni-like ko na lang ang last reply niya at pinatay na ang phone. Agad akong humiga at inilagay sa dibdib ang cellphone ko. Grabe naman 'tong Hidalgo'ng 'to! Gabing gabi na at parang mamumulikat pa ang pisngi ko kakangiti!

My phone beeped.

tmigz_hidalgo: Can I ask you out to have lunch with me tomorrow?

tmigz_hidalgo: I'd like to make it up to you for not treating you last tuesday :).

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon