Kabanata 28

28 1 0
                                        

"Hello, hija!" Mommy kissed my cheek as she went out of the van.

"Good morning, 'My. Kamusta po ang byahe?"

"It was fine, hija! The yacht was marvelous! Kahit na gusto ang chopper, I like the yacht now, too!"

"That's great! The chopper and yacht are one of the things that can be used for your chosen activities here in the resort," wika ko habang hinahalikan ang pisngi ng mga lalaking Ferrer. Nakikipagbeso naman sa mga asawa na dala nila maliban kay Kuya Shan. Hmm, wala pa rin siyang girlfriend? Akala ko'y may ipapakilala na siya pagpunta niya rito.

"Hi, Tita Luna," my ten-year old nephew, Dominic Zaiden, kissed my cheek.

"Dom-Dom! You're so big now!" mahigpit ko siyang niyakap. "Baby lang kita seven years ago, ngayon, kuya ka na!"

"Tss, Tita, you're so clingy talaga," umismid siya. Ngumisi ako sa kanya. He's Kuya Aiden and Ate Dom's child pero nakuha niya ang pagsusuplado ng panganay na Ferrer! Talaga naman, o!

"Ah, pagbigyan mo na si Tita, ngayon na lang kita nakita uli, o!" I pouted. Nangingiti siyang umirap sa 'kin, at sa huli, niyakap ulit. He's so cute!

"Tita Muna! Tita Muna!" my three-year old nephew, Arch, hugged my left arm, making Dom-Dom let go of me to give way to his cousin.

"Hello, my angel! Kamusta na ang baby?" I kissed his cheek multiple times. "Kamusta na ang baby?"

He giggled at my baby talk, I grinned at him. "Tita! I'm ticklish!"

Humalakhak ako sa cacute-an ng mga pamangkin ko.

"And I'm not a baby anymore! I'm kuya like Kuya Tom-Tom!"

Agad ko siyang kinulong sa aking yakap at kiniliti. "You're Tita's baby!" Lalo siyang nagpumiglas habang tumitili sa pangingiliti at pangungulit ko.

Nang makawala ay tumakbo papunta sa kanyang ina, at nakangiting yumakap sa binti nito, nakatingin sa 'kin.

"Ganda mo, ah!" salubong ni Kuya Shan sa 'kin, matapos ang pagbati ko sa mga pamangkin. I flipped my hair, and rolled my eyes at him.

"Of course! Lagi akong maganda, Kuya," I jokingly posed in front of him.

"Weh!" ngumiwi siya at hinawakan ang palapulsuhan ko. "Patingin nga ng kili-kili!"

"Oh! Malinis 'yan!" humalakhak ako nang itaas niya ang kamay ko. "Mabango pa!"

Lalo siyang ngumiwi at nandidiring binitawan ang palapulsuhan ko, making me laugh harder at him. Arte niya! Ganda-ganda ng kili-kili ko, ano!

Nang matapos silang ilapag at iayos ang mga gamit nila sa kanya-kanya nilang mga kwarto, dumiretso kami sa restaurant para kumain.

"Grabe, girl! I missed you, talaga!" pang-ilang beses nang yumakap sa 'kin si Samantha. "You're so busy here, you forgot about us!"

She pouted, making me grin at her.

"Oo nga! Kung 'di pa nag-aya ng bakasyon si Tita Nat, 'di mo pa kami maaalala!" si Kristina.

"Oh, give her a break, girls," humalakhak si Rafael.

Habang nagkukwentuhan kami, lumipat sina Ate Dom, Chastine, at Ate Lia sa tapat naming magkakaibigan para makisali sa kwentuhan.

"OMG, Luna babe!" si Ate Dom na handa na agad makipagkwentuhan. She leaned closer to the table to whisper. "I heard he's here?"

Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko. "Sino?!"

"Is it the-guy-who-must-not-be-named?" umirap ako sa sinabi ni Kristina.

As Promised (Ferrer Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon