Kabanata 24

11 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon ay Graduation Day na ng kambal kong kuya na magtatapos sa kolehiyo. Matapos noon ay bakasyon na.

Naghahanda na kaming lahat dito sa bahay para sa magiging pagbyahe namin papunta sa PICC kung saan gaganapin ang graduation nina Kuya.

I'm wearing a white dress that ends up just above my knees. Palobo ang short sleeves nito, habang hapit ang hem dahil sa garter sa magkabilang dulo ng tela. Pwede siyang maging off shoulder, o 'di kaya'y isang normal na dress lang. It exposed my neck and collar bones well in a comfortable way. Flowy iyon, kasama ang beige stilletos ko.

Nang maalala na kasama nina Kuya si Thomas Miguel sa araw nito ay... nagdala ng kaba sa 'king dibdib. Sa kabila ng madalas naming pagkikita, iba pa rin ang araw na ito. Siguro dahil magtatapos na siya? Pagkatapos nito ay panigurado, mas lalala pa ang pagsisikap niya para maging successful? O baka...

Napangiti ako sa sarili at pinilig ang ulo sa naisip. Kinakabahan ako lalo.

Nang makarating sa lugar, agad kaming pumwesto sa aming upuan. Habang sina kuya ay iniwan na kami para makapila para sa nagiging march nila.

Dala ang camera ko, agad kong pinicture-an ang lugar. Ang stage, ang ibang dako ng audience, ang mga bakanteng upuan sa baba na uupuan ng mga magtatapos, kahit sina Mommy ay pinicture-an ko.

Pumalakpak kaming lahat nang nagsimula nang tawagin isa-isa ang mga estudyante para gawaran ng certificate, medals.

Humiyaw ako nang sina malapit na ang kambal.

"Fernando, Caleb."

"Fernando, Dominic."

Tumayo na ako nang ilang estudyante na lang ay sina Kuya na.

"Ferrer, Lance Ashanti Q. Magna Cum Laude!" Humiyaw ako lalo, habang pumapalakpak kaming mga namangha. Kinunan ko agad siya ng litrato. Naglalakad, nakikipagshake hands, tumatanggap ng certicate, nagrock and roll sign bago magbow, tapos pababa ng stage.

"Ferrer, Lucas Matthew Q. Magna Cum Laude!" humiyaw din ako! Grabe, graduate with Latin Honors ang lahat ng kuya ko! Katulad ng mga litrato na kuha ko kay Kuya Shan, ganoon din ang sa kay Kuya Mat.

I'm so proud of them.

Maya-maya, namataan ko na ang isang pamilyar na lalaki sa baba, nakapila. Napangiti agad ako, at kinunan siya ng litrato. H na ang mga apelyidong tinatawag, kaya malamang, malapit na rin siya.

"Han, Merrie."

"Havier, Monica."

"Hermosa, Gladys."

Napakagat na ako ng labi nang lumipas ang ilang estudyante, siya na. Hindi ko alam ang standing niya, kaya naeexcite na ako!

"Hidalgo, Thomas Miguel, V. Magna Cum Laude!" humiyaw din ako, habang pumapalakpak! Kinunan ko siya ng litrato. Nang magba-bow na siya, nakita kong tumingin siya sa pwesto ng audience. Panigurado, hinahanap niya sina Alli. Nasa kaliwa ko banda ang upuan nina Alli, nakita ko kanina dahil nagbatian pa kami. Maya-maya, nakita kong nahanap niya ako. Kung paano iyon dahil malayo kami ay hindi ako alam. Nakazoom ang lens ko, kaya nang makita kong ngumiti siya at itinuro ako, namula ako sa init na dulot niya. Matapos akong ituro, itinaas ang kamao niya na tila nagwagi, at saka nagbow, kasabay ng hiyaw ng iba pang estudyante.

"Congratulations!" bati ko nang makita na kami nina Kuya sa dagat ng mga tao.

Agad silang nagpose nang iharap ko ang screen ng camera ko sa 'min, at nagpicture kasama sila. Sobrang nakakatuwa na makita silang nakatoga! Hindi mo mahahalata ang pagiging loko-loko! At mga Magna Cum Laude pa!

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon