Kabanata 16

27 0 0
                                        

"Oh, my gosh, you all look so adorable!" Mommy gushed as she looked at us, wearing our costume for the halloween party just an hour later.

"Come on, I'll take a picture of you!" ani Mommy at maligayang kinuha ang camera ko at kinunan na kami ng litrato.

For this year's halloween, we decided on the last minute to be Snow White and the Seven Dwarves. Pero dahil apat lang ang mga kuya ko, apat na dwarf lang din ang kasama ko. Ako si Snow White, syempre. Kumpleto ang costume ko dahil dress lang naman iyon at sapatos. Ang dapat na maikling buhok niya ay mahaba na at kulot! Ayaw kong magwig o magpagupit kaya bahala na at hinayaan na lang ang mahaba kong buhok na kulot.

Si Kuya Tin ay si Doc, dahil ayon sa nabasa namin ay siya ang tumatayong leader sa mga dwarf. Dahil siya ang panganay, siya na iyon. Naka-green hat siya, orange coat, green pants, at brown leather shoes.

Si Kuya El ay si Happy, dahil sa kanilang apat, siya ang may pinakamabait na personality, laging magaan ang aura at nakangiti. Naka-orange hat siya, may mahabang dress hanggang tuhod na long sleeves, isa iyong tunic na sikat noong ancient times, at may brown belt bewang. Nakasuot ng purple pants, at brown leather shoes din.

Si Kuya Mat ay si Dopey. Ayon kina Kuya, hindi man siya tanga at ang laging laman ng mga tukso gaya ng description ng Disney sa karakter, lagi naman siyang may tricks na ginagawa gamit ang mukha niya. Pambababae raw, iyon ang deed, at ang pagiging gwapo ang trick. Hindi naman babaero si Kuya Mat, ewan ko ba kina Kuya. Naka-purple hat siya, at gaya ni Kuya Tin ay nakacoat na green. Pink pants ang kanya, at brown leather shoes.

Si Kuya Shan naman ay si Bashful. Dapat nga, siya si Dopey dahil puro siya kalokohan. At dahil nga loko-loko siya ay nagpanggap siyang mahiyain, at iyan, naging Bashful ang character niya. Ang kapal! Mahiyain daw, walang-hiya kaya 'yan! Nakasuot siya ng red hat, purple coat, green pants, at brown leather shoes.

Ano pa nga ba ang kulang sa mga sinabi ko? E 'di ang white beard nila! Lagi akong napapahalakhak tuwing titingin sa kanila dahil sa kanilang balbas. Ayaw nga nila, anila'y dapat wala na dahil kunwari'y nakapag-shave na ang dwarfs. Mga baliw talaga!

"Hiho, hiho! Off to work, we go!" kanta nila. Pinaggawa rin kami ni Mommy ng video. Matapos ang kanta nila ay kumagat ako sa mansanas na hawak ko at aaktong hihimatayin.

Halos masuka kami sa ideya niya, pero ginawa pa rin namin dahil tuwang-tuwa si Mommy.

"Baby Luna, take pictures of us later?" tumango ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkagat sa mansanas. "Should we leave the camera in the car?"

"No, I'll bring it inside. I'm the photographer for the party," sagot ko.

"Bunso, don't finish that apple. We're not yet in the party!" saway ni Kuya Mat. Tumawa ako at nagpatuloy sa pagkain.

"I'll bring an extra!"

Matapos ang isa't kalahating oras ay naroon na kami sa café. Marami nang sasakyan ang naroon sa parking, at nasa loob na ang mga tao. Ang iba'y nasa labas pa, at nagpipicture-taking.

Agad kong kinuha ang camera ko at kinuhanan ang grupo na nasa labas ng café. Nang mapansin ang ginawa ko ay sumigaw sila ng isa pa at nagkanya-kanya ng pose. Ngumiti ako sa kanila at naglakad na para pumasok sa loob.

Nagpatuloy ako sa pagkuha ng litrato. Naging maganda ang set-up namin. Naging madilim ang lugar dahil sa kurtina at dim lights na pinalitan ng maintenance kahapon dahil sarado ang café. Nagkalat ang mga tao. Ang iba'y nagkukwentuhan sa sofa, ang iba'y nakatayo't kumakain ng snacks siguro sa high tables nila. Ang mahinang tugtog ay rinig sa background, tama ang lakas para sa mga usapan.

"Luna!" napalingon ako nang marinig ang tumawag sa 'kin. Si Kristina iyon!

Napahalakhak ako sa kanya nang makita ang costume niya. Siya iyong reyna na nagpanggap na matanda sa Snow White and The Seven Dwarfs! Nakablack cloak siya, at mukhang gawa ang matanda at kulubot na mukha at kamay niya. Tawa ako nang tawa habang nakatingin sa kanya dahil ang galing ng costume niya!

As Promised (Ferrer Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon