Pagdating ng hapon, dumiretso na kami nina Kristina sa café para sa aming shift. Nagkanya-kanya na kami ng punta dahil may sari-sarili naman kaming mga sasakyan papunta ro'n.
Pagkapasok ay agad kaming nagtime-in. Hindi pa nakakalimang minuto sa café, pinatawag agad kami ni Kuya Robert, isa sa mga crew sa kitchen. Ayon sa kanya, naroon daw ang mga Hidalgo na anak ni Sophia Lianna para bumisita.
Agad akong natigilan nang marinig iyon. Anak na Hidalgo? Si Thomas Miguel kaya iyon?
Sa 'di malamang rason ay nagtama ang mga mata naming magkakaibigan bago nagsimulang maglakad papasok sa opisina na katabi lang halos ng kitchen, napaghihiwalay lang ng isang maliit na hallway.
"Luna, Kristina, Samantha, Naomi, at Sheryl," panimula ni Kuya Robert. Inilahad niya ang kamay niya sa direksyon ng dalawang babae sa aming unahan.
"Dalawa sa mga anak ni Miss Sophia Lianna, si Rain Allison," nakangiti, inilahad niya ang kamay niya sa amin. Isa-isa namin iyong tinanggap.
Maganda siya. Kasing tangkad ko halos, mahaba ang buhok na hanggang bewang, at medyo kulot, nakaayos ang kilay, malambing ang mga mata, mahaba ang pilikmata, matangos at maliit na ilong, mamula-mula na mga pisngi, at mapulang mga labi. Maputi rin siya, at maganda ang hubog ng katawan.
"At siya naman si Clara Giselle," naglahad din ito ng kamay na isa-isa rin naming tinanggap.
Maganda rin siya. Hanggang tainga siya ni Miss Rain. Ang buhok na kasing kulot ng sa kapatid ay nakapony tail. Ang maninipis na bangs ay naglalaglagan sa kanyang noo, katulad ng akin. Nakasalamin ito, kasing mata at kilay ni Miss Rain, ngunit mas matapang ang mata. Matangos ang kanyang ilong, mamula-mula rin na mga pisngi, at tipid na nakangiti ang maninipis na mapulang mga labi. Mas mukha siyang mataray kumpara sa naunang ipinakilala sa amin na palakaibigan na ngumingiti. Kasing katawan lang niya si Miss Rain.
"Nice to meet you, po," magalang kaming yumuko nang bahagya bilang bati, maliban pa sa pagtanggap ng kanilang mga kamay.
"Oh! No! Bowing is unnecessary!" Agap ni Miss Rain. Agad kaming natigilan at napalingon kay Kuya Robert na bahagyang natawa sa ginawa ng dalaga.
"You're as humble as your mom, hija," nakangiti na sabi ni Kuya Robert.
"Thank you," nahihiyang sagot ni Miss Rain.
Bumaling siya sa'min at pinagsama ang mga kamay nito sa tapat ng kanyang dibdib.
"Hi! I'm Rain Allison, as Kuya Robert has said, and this is my younger sister, Clara Giselle," si Miss Clara ay ini-angat lang ang kanang kamay at pormal na kumaway sa amin habang tipid pa rin na nakangiti.
"We know you're confused as to why we have only visited today long after our mother died," patuloy niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata namin nang maungkat ang nangyari sa may-ari ng café na ito.
"Well," napalingon siya sa kapatid niya na nanatiling nasa amin ang tingin. "Since we're not yet busy with our school, we wanted to part-time here, like you, girls."
She nervously chuckled, and placed her escaped hair behind her ears, when she noticed our quiet and confused expressions. She glanced at her sister, seeking for help to add on her statement.
"We wanted to know how this café works, starting from the crews serving the customers, to the ones who work in the kitchen, as well as behind the counters," ani Miss Clara Giselle.
"We also want to try to work as janitresses, you know, experience how to clean bathrooms, and mop the floor," dagdag niya.
Kita ang gulat sa mga mukha naming mga part-timer.
BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Teen FictionSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...