Wakas

37 0 0
                                    

This is the last chapter of my first ever story. Thank you for reading this, and journeying with me as I explore both my imagination and skill. I hope that you were able to like my Luna and my Miguel. See you on my next story?


Wakas

Napuno ng tili at sigawan ang aming bahay nang hatawin ako ng aking ama ng isang makapal na kahoy sa aking pang-upo.

"Papa! Tama na, Papa!" I cried, pleading him to stop.

"Ikaw!" tinuro niya ako gamit ang kahoy na hawak niya. "Wala kang kwenta! Bakit ba kita naging anak, huh? Hindi ko pinili na magkaanak ng gaya mo!"

The cries of sisters mixed with mine, along with my father's screams.

"Papa! Tama na!" sa liit ng aking katawan, alam ko na na hindi ko naman talaga kayang salagin ang mga palo ng aking ama. Pero sa pag-asang titigil siya ay tinuloy ko pa rin. Nasa ere ang mga kamay ko, akala mo'y bigla ko na lang mapapatigil ang ama sa ginagawa. Umiiling ako habang umiiyak, habang ang ama ay patuloy sa pagpalo sa 'kin.

Wala akong ginagawa.

Luto na ang hapunan para sa aming lahat. Tapos na kaming magsikain nang umuwi si Papa na lasing ngayong gabi. Tatlong taon na simula noong namatay ang aking ina dahil sa kanyang sakit, kasabay ng panganganak niya sa aming bunsong kapatid. At... tatlong taon na rin simula noong nagsimula si Papa sa kanyang mga bisyo, at pananakit sa 'kin. Ang makitang umuwi siya ng ganito ay hindi na bago sa 'ming magkakapatid. Kaya isang tinginan lang ay alam na namin ang kahihinatnan ko ngayong gabi.

Tuwing ganito uuwi si Papa, ang bilin ko sa mga kapatid ko ay manatili lamang sa kwarto nilang mga babae, at isama roon ang bunso namin. Hindi ko kaya na... bata pa lamang sila ay makikita na nila ang ganitong karahasan ng aming ama. Masyado pa silang bata para sa ganito.

"Hindi ko kailangan ng bakla sa pamamahay na ito!" tulad ng kanyang linya gabi gabi. Umiling akong muli, at nagpatuloy sa pag-iyak. Gusto kong takbuhan ang kanyang mga palo dahil alam kong kaya ko. Pero sa takot na maaabutan niya rin lang naman ako, ano pa ang magiging kaibahan ng pagtakas ko? Wala. Wala rin naman.

"Gusto ko ng matikas na anak, Miguel! Hindi ko gusto ang lalamya-lamya! Ayaw ko ng bakla!" sigaw niyang muli. Sa tagal ng panahon na pinagdaraanan ko ito, patuloy pa rin ang pagsugat ng palagiang linya niya. Bakla. Walang kwenta. Hindi gusto. Salot. "Gusto ko iyong magiging pulis o militar kagaya ko! At ano? Ganito ang igagawad sa 'kin? Panganay pa nga! Panganay pa nga, Sophia Lianna!"

Hindi ako bakla! Gusto kong ikatwiran. Pero sa bilis at dalas ng kanyang palo, kung buong buhay kong ganito ang kalagayan ko, wala na siguro akong pagkakataon para maipagtanggol pa ang sarili ko. Hindi ako bakla, Papa!

"Huwag na kayo umiyak, ha?" alu ko sa mga kapatid kong babae na panay na ang iyak sa kanilang kwarto. Kinailangan ko silang daluhan dahil umiiyak na rin ang bunso namin, at halos hindi na makahinga si Alli. "Okay lang si Kuya, okay? Okay lang ako. 'Wag na kayo umiyak. Okay lang si Kuya."

Hirap sa paglalakad, sinubukan kong patulugin silang dalawa ni Alli at Gigi nang tumahan na ang bunso namin. Noong gabing iyon, sa kwarto nila ako natulog dahil nga sa nangyari.

Dahil sa gabi gabing paglalasing ng ama, kinailangan kong gumising araw-araw nang maaga para asikasuhin kaming magkakapatid. Kailangan kong magluto ng umagahan, tanghalian, plantsahin ang aming mga uniporme, ihanda ang mga baon, turuan sila sa mga takda nila. Kinailangan kong saluhin ang mga responsibilidad ng aming mga magulang dahil hindi pa nila, o niya, ito magagawa sa 'min, kaya kailangan kong tumayong ina at ama sa mga kapatid ko.

"Dios ko! Miguel, anong nangyari sa 'yo?" may bahid ng pag-aalala ang tono ng aking tiyahin nang dumaan kaming magkakapatid para ihatid ang bunso namin, si Fia bago pumasok sa eskwela.

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon