Kabanata 23

10 0 0
                                    

"OMG!" Samantha squealed.

Kakatapos ko lang ibalita sa kanila ang balak ni Thomas Miguel na sinabi niya sa 'kin kahapon, noong nasa bahay sila. Maging ang pagpapapunta sa kanya ni Mommy ay binanggit ko.

Nangingiti ako nang niyugyog ako ni Kristina, habang humalakhak siya. "I'm so effin' happy for you!"

"I can't believe na college ka makaka-experience ng ganito!" kumento si Sam na pinapaypayan ang mukha, habang malaking ngisi ang iginagawad sa 'kin. "And guess what? First crush mo pa! Swerte, girl!"

I jokingly shrugged at them, making them gasp. "Ang yabang! I take it back na nga!"

Humalakhak ako lalo, napapailing sa kabaliwan nilang dalawa.

"What are you talking about? Loud niyo, ah?" natigilan kami ng lumapit sa 'min si Alex, siya na naman mag-isa.

Luna... mind your own business.

"Hey, Alex," bati ni Sam.

"Share naman diyan?" ngumiti siya at umupo sa bakanteng pwesto sa tabi ni Sam na kaharap ko. "Why are you looking at me like that? Para namang 'di tayo magkakaibigan?"

Tumikhim ako sa naging puna ni Alex. Naalog nga ako sa mga salita niya kahapon pero... tama na naman siya. Para namang hindi namin siya kaibigan kung makaasta kami ngayon?

Nandito kami sa café ngayon. Dito na kami naglunch para magkwentuhan, tapos ay didiretso na sa shift namin. Hindi naman kami masyadong magiging abala dahil nga iyong mga bagong part-timer na grupo ng magkakaibigan ay nasa training. Sila ang servers, ayon kay Alli, para sa panahon na gusto nila.

Nilibot ko ang mga mata ko sa mga kasama ko na nakatingin sa 'kin, nag-aabang sa gagawin. Napanguso ako, at nagkibit balikat.

"Well..." I started. "I was just telling them that Thomas Miguel asked me for permission to court me."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Alex, kasabay ng pagtaas ng kilay niya. Maaaring sa gulat. Ngunit sa kabila ng reaksyon ng bagong dating na kaibigan ay ang pagbabalik ng ngisi nina Sam at Kristina.

"And guess what?" Kristina excitedly asked.

Tinaasan siya ng kilay ni Alex, hinihintay ang kasunod na sasabihin ng katabi ko.

"Tita Natalia wants him to come over their house later tonight!" she squealed. Napakagat ako sa pang-ibabang labi sa sinabi niya. Parang kahit ako... nakakaramdam ng pagka-excited. First time kong maliligawan at... tama si Sam, ng crush ko pa!

"Parang meet the parents na agad, kahit na makadalaw na talaga si Sir Miguel sa bahay nila!"

Tipid na ngumiti sa 'kin si Alex, habang sarkastiko ang mga mata niya. "Ah, talaga? Congrats, Luna."

I awkwardly chuckled. "Thank you."

Alex stayed quiet as Sam and Kristina gushed about the dinner tonight with Thomas Miguel. Ngumingiti lang siya 'pag may nakakatawa, pero kapag tungkol na sa panliligaw at magiging pagbisita ni Hidalgo sa bahay ay... wala siyang reaksyon. Ni kumento ay hindi siya nagbibigay.

Hindi ko na inisip pa ang mga nangyari kahapon. Sa tuwing dumadaan sa isip ko na kahit hindi ko gusto ay nabahiran ang pagkakaibigan naming dalawa dahil sa pagtatalo namin ay nakokonsensya ako. Pinilig ko ang ulo ko habang nakatingin sa kanya. Ayaw kong pagitnaan ng kung ano ang mayroon kami. Mas lamang pa ang pagkakaibigan namin kumpara sa mababaw na pagtatalo. Alam ko namang kasalanan ko rin.

Nang mapansin ni Sam ang tingin ko ay bumaling siya sa katabi niya. "Oo na nga pala, Alex! Kamusta ang naging pag-uusap niyo ni Raf kahapon? Kamusta na kayo?"

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon