Kabanata 32

40 1 0
                                        

Kinagabihan noong araw na iyon, pinadala ko ang hapunan sa aking kwarto. I was too flustered with what I learned about. Iniwan na ako ni Miguel para makakain. Aniya, sasamahan niya ang mga kapatid niya para sa hapunan dahil halos buong araw na niyang 'di nakasama ang mga ito dahil binabantayan niya ako.

Hindi ko naman siya inoobliga na samahan pa ako. Hindi naman kami, hindi ba? Sinabi lang niya ang kailangan kong malaman.

Noong gabi ring iyon, inanyayahan ko ang mga kaibigan ko, kasama si Bien, na uminom sa balkonahe ng kwarto ko, tanaw ang kagubatan sa gilid ng mansion. I wanted to invite the wives of my brothers, but I didn't want to influence and turn them into alcoholics like I was.

Alam nilang kasama ko si Miguel noong araw na iyon. Na halos buong araw kaming nagkulong nang magkasama. Pero sa gitna ng pag-inom, walang nagsasalita. Walang nagtanong kung ano ang nangyari, kung ano ang pinag-usapan, kung ano talaga ang nangyari, at kung... ano na kami ngayon.

Tahimik lang kami, tulala, at kanya-kanya sa mga iniisip. Hindi ko alam kung may pinagdadaanan din ba sila, but I was too preoccupied and numb to feel for others. I was too selfish, I wanted to think of me first.

Two days passed, I didn't have any interactions with any Hidalgo, or with Alex. Purong mga pamilya ko lang ang nakakasalamuha ko. I'm grateful for the space he gave me, though. With the gravity of the truth he told me, hindi ko ata kakayanin na magkausap kami.

Hindi ko alam. Matibay pa rin ang pagmamahal ko para sa lalaking Hidalgo pero... hindi ko alam. There's an urge... there's a doubt that's holding me back from him. From taking him back. From being together with him again. From giving it a try to work again.

It's so fucking terrifying.

Paano kung nagsisinungaling lang pala sa 'kin si Miguel? Paano kung si Alex pala ang totoo?

But then, his words would ring.

"I'm too in love with you to even think about hurting you."

Alas singko ng madaling araw, narito ako sa dalampasigan, hinihintay ang pag-angat at pagsikat ng haring araw. Holding my mug of Hot Chocolate, the breeze flew the skirt of my dress.

Pinilig ko ang ulo ko.

I don't have the courage to question his love for me. Because... I don't question mine. He was my first... but my love for him is too strong for me to even think of doubting. Ang kompyansa ko sa kanyang pagmamahal na kasingtibay ng akin ay hindi ko alam kung saan ko nahagilap.

Pero... sa kabila ng kaisipang iyon... hindi ko maiwasan ang matakot na sumubok ulit. Maybe because I'm still not healed. Ang nagbabadyang sakit sa muling pagsugal ay nasa harap ko lang. Masyado pa akong durog para magkaroon ng lakas ng loob na masaktan ulit. I love him, but I'm still too scared to get hurt again.

Napalingon ako nang narinig ang mga yapak sa buhangin.

"Kuyas," I stated. Ngumiti ako sa kanila. "Good morning."

Kuya Shan went to me and hugged me side ways. Ilang segundo ay katabi ko na ang iba pang kapatid.

"Ang aga niyo ata?" patuloy ang pagngiti ko sa kanila.

Sabay-sabay silang nagkibit balikat. Napailing na lang ako.

"Miss Luna, Sirs," lumapit sa 'min ang isang tauhan sa mansion. "Handa na po ang bangka. Tara na po ba?"

"Para saan po, Manong?" kunot-noo kong tanong.

"Ah, e, pinahanda ho ng mga kuya niyo, Miss," sagot niya. Agad kong pinasadahan ng tingin ang mga kuya kong nakatingin din sa 'kin. "Tara na ho ba?"

As Promised (Ferrer Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon