Kabanata 11

10 0 0
                                    

"Luna," then someone shook me. Mabilis lang ako magising kaya kaunting galaw lang ay hindi na ako tulog. Pero dahil sa antok ay hirap ata akong bumangon ngayon.

"Luna," mariin ang pagkakasabi. I groaned and faced the other side, opposite to the one waking me, turning my back on that someone.

"Luna Madelaine!" agad akong napatili at napabangon nang sumigaw. Fuck! Si Mommy lang pala!

"Mommy naman! It's saturday! Can't you let me sleep to my heart's content?!" Asar kong tanong, pagalit na nakatingin sa babaeng nakatayo sa gilid ng kama ko.

"What do you mean let you sleep? It's saturday! Bumangon ka na riyan!" Ugh! I'm so sleepy! Pagod na pagod ang katawan ko! Kasama sa pagkatuyot ng utak ko ay ang pagbagsak ng katawan ko. Talagang ginugol ko ang lahat ng oras na mayroon ako noong Miyerkules hanggang kahapon. Exams no'n, at talagang pinatay ko lahat ng pwedeng makaistorbo sa 'kin. Not people, of course!

Ang kambal kong kuya ay busy rin sa kakaaral, kasabay ko, dahil ayon sa kanila, running for honors sila lalo na't last year na nila 'to. Gusto nilang pabanguhin ang kanilang credentials 'pag nag-apply na ng trabaho kaya pinagbubuti talaga nila. Kinailangan pa nila akong dalhan ng pagkain para daw sigurado sila na hindi ako manggugulo. Excuse me, 'no! Sila ang madalas na nambubwisit kaya wala silang problema sa 'kin.

Lumabas na si Mommy ng kwarto ko at naiwan akong nakatunganga sa kama ko. Wala pa talaga ako sa wisyo ngayon lalo na't ginising ako. Napabuntong hininga ako  at tumayo na para maghilamos at mag-ayos ng buhok. Saka pa lang ako maliligo kapag natapos na ko mag-agahan. Nakakatamad na kasi magtoothbrush pagtapos kumain. Kaya inuuna ko na 'yon bago ayusin ang sarili. Kami-kami lang din naman ang narito sa bahay kaya hindi na masama. At hindi naman ako sobrang panget sa umaga 'no! Maganda pa rin ako! 'Woke up like this!' ang peg ko!

Pababa na ako ng hagdan nang narinig ko ang mga boses. Sa malamang ay nanggagaling 'yon sa may dining. They're probably having their breakfast now, at ginising pa 'ko para makasabay sa kanila.

Kusot-kusot ang mata, napahikab ako nang makarating sa panghuling hakbang. Agad kong nakita ang mga nakaupo sa lamesa namin. Halos lagutan ako ng hininga nang makitang naroon ang mga kaibigan ko, ang tatlong Hidalgo at isa pang babae, nakahalo sila sa pamilya ko. Holy shit naman!

"Good morning, hija," ani Daddy. Ang mga kapatid ko ay mga nakangisi sa 'kin nang ayusin kong muli ang sarili ko dahil sa pagkaconscious dala ng kanilang titig.

"Come sit and have breakfast, Luna," tawag sa 'kin ni Mommy. I inwardly shut my eyes tightly, while pulling my hair. Talaga naman! Ang malas!

Napabuntong hininga ako sa inis at agad umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Kuya El at Kuya Tin. Inirapan ko pa sila parehas dahil nanatili ang nakakairitang ngisi nila sa 'kin. Oo na't nakakahiya na nandito ang crush ko at naabutan akong gano'n! Oo na nga!

"Good morning, Luna!" ani Sam at kumaway pa sa 'kin. Ngumiti lang ako sa kanya at kumuha na ng fried rice, egg, at spam. Mayroon na ring kape na nakatapat sa plato ko. Kahit sabi nila kuya na masama raw sa kalusugan ang kape, hindi ko na mapigilan pa ang hindi pag-inom sa umaga dahil sumasakit ang ulo ko kapag 'di ako nakakapagkape. Sila rin naman, nainom.

"Hija, why didn't you tell us that your friends will visit today? Hindi kami nakapaghanda! Mabuti na lang at naroon sina Manang at Chastine! Agad na nakapagdagdag ng almusal!" si Mommy.

Napabuntong hininga uli ako. "Sorry, Mom. It completely slipped out my mind because of the exams. I was busy studying for the past few days."

"It's true, Tita! Halos hindi na po makausap ang babaeng 'yan kakabasa sa room!" anang Kristina. Pinandilatan ko siya kaya agad itong humagikhik.

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon