Kabanata 27

34 1 0
                                        

Natapos ang araw na noong umaga lang ang naging interaksyon namin. Kahit si Alex ay hindi na nangahas na lumapit sa 'kin.

Was she sorry for doing that to me? Nakonsensya man lang ba siya na nangyari? Tutal ay magkaibigan naman kami. Naging magkaibigan naman kami. Wala bang kahit anong pagsisisi sa puso niya? Sa puso nila?

I sipped on my wine as I stared at the wideness of the sea. It's darkness calmed my system. Ang dilim, at ang lawak nito'y... sandaling pinapatahimik ang kaluluwa ko.

I am scared of standing in the middle of the sea, especially at night. The fact that you don't know where the sea ends is fascinating. But dying in the middle of the sea and its darkness always terrified me. Parang kung sa ganoong paraan ka mamamatay, the helplessness and the hopelessness will seep deep into your bones and system. It's fucking scary to die, unable to even save yourself.

Umihip ang hangin, at nilipad nito ang laylayan ng night dress ko. Sa lamig ng hangin ay hindi ko alam kung paano ko nakayanan na lumabas nang walang jacket o kung ano, lalo na't sleeveless ang night dress ko.

The sound of the crashing waves felt nice, mixing into the quietness of the deep night. Alam ko, magmamadaling araw na. Syempre, dahil oras iyon ng paglalasing ko, gaya ngayon, para lang antukin at makatulog.

Pinilig ko ang ulo ko. Pero... talagang wala na atang kwenta ang paglalasing dahil... lalo ko lang siyang naaalala kapag lasing ako. My mind unconsciously crawls into our memories together, making my state even more pitiful.

Maybe I can't get over him because of the lack of closure. Siguro dahil nang matapos kaming dalawa, hindi na kami nagparamdam sa isa't isa. Kinalimutan na magkakilala kami, na naging parte kami ng buhay ng isa't isa.

Siguro kapag nakapag-usap na kami, magiging ayos na ako? Kapag nanggaling na sa kanya mismo na tapusin ko na ang paghihirap ko dahil wala ng saysay iyon. Dahil umiiyak ako para sa wala, pinapalungkot ko ang sarili ko sa wala. That I'm being miserable alone for nothing because... he's okay. Because he has a family already, not even bothering to let me cross his mind.

Masyado ko atang pinanghawakan ang kaisipan na kapag siya na mismo ang nagsabi na kalimutan ko na siya, kakalimutan ko na talaga siya. Na bibitaw na ako sa pag-asang maaayos kami. Masyado ko atang sineryoso iyon, umabot tuloy ng pitong taon.

I laughed softly while drinking. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng nangyari, talagang tinatanggap ko sa sarili ko na umaasa akong maaayos kami.

Talaga, Luna? Pagtapos niyang magkaroon ng anak sa iba, umaasa ka pa? Talaga bang wala ng pagmamahal ang natitira para sa sarili mo?

Nanatili akong sumisimsim sa wine ko nang marinig ang mga yapak sa buhangin. Baka bisita lang iyon na hindi pa nagchecheck-out.

Mabagal akong lumingon sa kaliwa ko nang may tumayo roon. Nang makita ay si... si... Thomas Miguel.

Parang may gumuho na naman sa 'kin. I can't believe that I was just thinking of him a while ago, and now he's here, standing beside me.

Tumikhim ako, at hindi nagsalita. Ibinalik ang tingin sa dagat, at ipinagpatuloy ang pag-inom.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang magsalita siya.

"Nasaan ang boyfriend mo? Bakit ka nandito sa labas ng ganitong oras?" his voice was deep, tone was cold. Para akong nanginig sa lamig ng pagkakasabi niya. Hindi mo malaman kung galit ba siya, o walang pakielam. Ewan ko. Filipino na ba ang default language niya kapag nakikipag-usap?

Bigla kong naalala ang pagkamangha ko kapag nagsasalita siya in Filipino. It sounds so new to me because I got used to him speaking in English.

At teka... boyfriend ko? Wala na akong boyfriend! May anak pala sa iba! May iba pala maliban sa 'kin! E 'di ayon, naghiwalay kami.

As Promised (Ferrer Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon