Kabanata 6

10 0 0
                                    

'Smile! It suits your face :)' I wrote on a yellow sticky-note.

"Smile? Who's that for, friend?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Samantha na binabasa ang sinulat ko. Agad kong ibinaba ang papel para maitago iyon.

She narrowed her eyes on me as a teasing smile appeared on her lips. "You have a crush on a customer? Sino?!"

I glared at her for speaking so loud, napalingon tuloy sa 'min ang ilang tao sa loob ng café.

"Shut up!" I muttered as I placed the piece of paper inside my pocket. Mamaya ko na lang ididikit sa kung sa'n pwede kapag ibibigay ko na.

Humalakhak si Samantha bago naglakad palayo dala ang tray ng customer niya. Nailing na lang ako sa kaibigan ko.

It's been days since natulog ako dito sa café dahil sa lagnat ko. It's been days, as well, since I accepted to myself that I have a crush on that dimple guy! Ugh! Sa gwapo ng mga kapatid ko, hindi ko akalain na madadala ako ng ngiti at dimple niya! Ng ngiti at mga dimple niya lang! So annoying!

At kahit na nakakahiya, heto ako at gumagawa ng paraan para lang mapansin niya. I'm unwillingly, or not, treating him different from other customers. I personally requested to my Kuya Shan to buy me this sticky-note for this simple greetings I'll attach to his drink! Ugh! I have it bad.

Okay, I know it sounds weird that I'm moving or taking actions because of this crush thingy. But I've thought of this. I actually was against this, swear! However, I have this feeling of eagerness to do this, and not let a chance pass by me. I really sound desperate that I'm lowkey letting him know about my feelings, but I can't help it!

Wala naman akong balak na magkagusto rin siya sa 'kin, totoo. Gusto ko lang na... ipaalam sa kanya? Gusto ko lang na maramdaman niya na mayroong nagkakagusto sa kanya rito? Ugh! I don't know! This is just a mere crush and I'm making a big deal out of it.

And, just to add, he's easy to surprise. Like a simple sudden sneeze will make him slightly jump from his chair! I just want to tease him from driving me crazy with his dimples!

Ugh, I'm acting like a love-sick high school.

"Good afternoon, and enjoy your stay!" Bati naming lahat nang tumunog ang bell sa taas ng glass doors, hudyat na may bagong-pasok na customers. Ako pa lang ang available na server sa ngayon kaya naman nilingon ko iyon at natigilan nang si Thomas Miguel ang bagong pasok na iyon. Shit. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang magkatinginan kami. Iniwas ko ang tingin at huminga nang malalim para makalma ang puso.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nakitang nakaupo na siyang muli ro'n sa tabi ng bintana. Nakatingin siya sa 'kin at nakataas na ang kamay. Shit naman! Agad-agad?!

Tumikhim ako at naglakad na palapit sa kanya. Nang makarating na sa table niya ay sandaling natignan ang itsura niya. Malamig na naman ang ekpresyon niya. Parang walang interes sa kung ano ang nasa paligid. Kalmado ang mukha nito, pero halata ring walang pakielam. Ano ba naman 'to, kahit nakasimangot ay gwapo pa rin!

"May I take your order, Sir?"

Nakanguso siya habang nakapokus ang pagpasada ng tingin sa menu na ibinigay ko kanina. Paminsan-minsang lumilitaw sa kanyang mga pisngi ang kanyang mga biloy dahil sa 'di maintindihang galaw ng kanyang labi kaya naman halos mahimatay ako sa pagpipigil na kiligin sa dimples niya. Nakakainis! Ang gwapo!

"Hmm," aniya. Tuluyan nang lumubog ang dimple niya sa kaliwang pisngi nang naging isang linya ang labi. Napakagat ako ng labi at napapikit nang mariin dahil sa pagpipigil. "I'd like an Espresso, and an plate of three pancakes. Also add the Twisted Fries, and a Double-Meat Cheese Burger."

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon