Kabanata 5

13 0 0
                                    

Napabahing ako. I groaned, shaking my head. I groaned more when I felt my head spin and hurt from that.

Bumangon ako sa higaan, at napabaling sa orasan na nasa gilid lang ng kama ko.

Medyo maliwanag na rito sa kwarto. Ang liwanag galing sa bintana ang siyang nagsilbing ilaw sa silid.

Papikit-pikit pa, tinignan ko ang oras.

Agad akong napabalikwas nang makitang halos mag-ala-una na ng tanghali.

"Shit!" Itinukod na ang paa sa sahig at magmamadali na sanang tumakbo nang mabuhol ang sa paa ang parte ng kumot mula sa higaan, sanhi ng pagkabagsak ko sa sahig.

Agad akong napatili bago naramdamang tumama ang katawan.

"Aw," mahina kong sambit sa sarili habang hinihimas ang likod.

Masama na ang pakiramdam ko, masakit ang ulo at sinisipon, tapos mahuhulog pa sa kama? Ang gandang salubong naman sa paggising.

Dala ng sama ng pakiramdam, unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Ang malas! Kagigising ko pa lang ay parang buong araw na akong gising at pagod! Naiiyak ako sa kamalasan.

Napabaling ako sa pintuan nang marinig kong pinihit ang door knob at sumilip do'n ang ulo ni Kuya El. Agad nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakahiga ako sa sahig, nakalabi, at hinihimas ang likod sa abot ng aking kamay.

"Luna!" Tumakbo siya papunta sa 'kin na may pagkagulat sa mukha at agad akong dinaluhan.

Pineke ko ang paghikbi na siyang nagpaiyak talaga sa 'kin. "Kuya!"

Hindi ko alam kung bakit, pero high school pa lamang ako, nasubukan ko na ang gawin 'yon. Ang pekein na naiiyak ako, at walang isang minuto ay talagang naiiyak na 'ko. Siguro dala ng pag-iinarte? Hindi ko sigurado.

"What happened to you? Why are you lying down here?" Tanong niya.

I continued crying, "Kuya!" I extended ny arms to him, indicating to pull me up.

Nakita ko siyang napatingala na nakapamewang, habang natatawa at naiiling.

"You're such a baby, Luna," aniya at binuhat ako sa kanyang braso. Hindi niya ako inilapag sa kama ko, bagkus dumiretso ng lakad palabas ng kwarto. I cried while holding back a smile, wiping my tears from my eyes.

Para akong bata na humihikbi habang buhat ng Kuya El ko pababa ng hagdan papunta sa dining namin, mukhang nagla-lunch na sina Mommy at Daddy, kasama ang dalawa kong kuya nang marinig siguro ang pagkahulog ako.

Nabitin sa ere ang kutsara ni Mommy na may pagkain nang makita ang kuya ko na dala-dala ako, umiiyak.

"You're already in college, but still, you fake your cry until you cry for real," nakangiting sabi sa 'kin ni Kuya El. I pretended to not hear him to focus on my sob as my family eyes us.

"Eli? What happened to your sister? Bakit mo siya buhat-buhat?" takang tanong ni Daddy. Muli kong pineke ang hikbi ko at tuluyan na akong naiyak talaga. Humalakhak ang lalaking may dala sa 'kin.

"Daddy," I cried as Kuya El placed me down on a chair next to my Kuya Tin.

Agad rumehistro ang pag-aalala sa aking mga magulang nang marinig ang mga hikbi ko. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Kuya Tin at nagpatuloy sa pag-iyak.

"Aww, my baby girl's crying," alu ni Kuya Tin habang hinahaplos ang kaliwang pisngi ko gamit ang kanyang kaliwang kamay. I hugged his left arm as he did that while Kuya El sat on the left vacant chair beside me.

Muling humalakhak si Kuya El dahil patuloy ang pag-iyak ko habang kinukunsinti ni Kuya Tin ang pag-iinarte ko.

"I-I feel s-sick, K-kuya," I said, struggling because of my unstable breathing. "T-tapos ang s-sakit p-pa ng ulo ko. T-tapos sinis-sipon pa k-ko. Tapos 'd-di ak-ko nakapasok s-sa school, tap-pos nah-hulog p-pa ko s-sa k-kama kanina," sumbong ko habang umiiyak, pinapalis ang luha sa mga pisngi.

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon