Kabanata 34

13 0 0
                                    

"Woo hoo!" tili ng mga kaibigan ko nang tumama ang alon sa mga bato.

"Luna! Luna! Dito!" sumenyas si Samantha na lumapit ako sa kung nasaan sila. Dala ang camera ko, lumapit ako sa kanila.

Alas tres ng hapon ay narito na kami sa panghuling beach na bibisitahin namin dito sa Batan Island, ang Valugan Boulder Beach. Isa ito sa mga pinakapaborito kong beach dito sa Batanes.

Isa itong beach. Iyon nga lang, hindi ito ang karaniwang beach na buhangin ang lalakaran mo, kung 'di naglalakihang mga bato.

Naging palaisipan sa 'kin kung paano nabuo ang beach na 'to. Naanod ba rito ang naglalakihang bato? O dati itong nasa ilalim ng katubigan, ngunit sa pagbaba ng lebel ng tubig, naging beach na rin? Hindi ko alam. I haven't done my research.

Hindi namin alam kung pwede bang maligo rito, kaya ang ginawa na lang karamihan sa 'min ay tinitigan ang asul na dagat, o 'di kaya'y pinagkakatuwaan ang mga bato. The oval boulders are easy to stack, so... my company found it very fascinating.

Isa't kalahating oras lang ang itatagal namin dito. Dahil kung magtatagal pa, baka tumaas na ang tubig. Gagabihin kami sa byahe, lalo na't sa yate kami sasakay.

Matapos kong kunan ng litrato ang mga kaibigan, nilibot ng mga mata ko ang buong lugar.

Tanaw mula sa kinatatayuan namin ang dulo ng beach sa kanan. Ang nagtatayugang kalupaan ay may berdeng damuhan sa mga ibabaw nito. Ang nagtataasang mga puno ay nagpatingkad lalo sa pagkaberde ng lugar.

Sa 'di kalayuan, makikita ang isang pathway paakyat at paalis ng beach na ito.

"Hija..." lumapit sa 'kin si Mommy. Nakasakay na kami sa yate pauwi. Isang oras ang byahe bago kami makarating sa Morong Beach.

"Po, 'My?"

Sinundan ko siya nang tingin nang mula sa likod ay niyakap niya ako. Nakaharap ako sa railings ng yate, pinapanood ang dagat at ang langit.

She sighed deeply. "Malapit na kaming umuwi..."

"Yes, 'My, alam ko po," nanatili ang tingin ko sa kanyang nakasandal sa balikat ko. "Bakit po? You want to extend your vacation?"

"No, one week's enough," aniya. "I'll just miss you. Still no plans of going home with us?"

Ako naman ang bumuntong hininga. "Mommy, Not that I don't want to go back to Manila, but... this is my home now."

"I know, hija," huminga siya nang malalim. "I just... miss having you in our home. You know... your brothers already have their own home. Umalis na sila ng bahay years ago. I miss my children."

Tinignan niya ako. "Nakakamiss pala ang kaingayan niyo? Kahit ang minu-minuto niyong bangayan tungkol sa maliliit na bagay ay... hinahanap-hanap ko pa."

I smiled. "Don't be sad, Mom. Holidays are coming. For sure, uuwi kaming lahat. I'll visit soon, I promise."

"Talaga?"

"Opo, 'My."

"Well... is there a possibility that you'll come home... with a guy? Perhaps... boyfriend? Or... fiancé?"

"Mommy!" I laughed at her. "Boyfriend nga po, wala ako. Fiancé pa kaya?"

"What? You should have one na! You're not getting any younger! You're already 27! Kinukulit ko na nga ang kambal na bigyan na rin ako ng apo katulad noong dalawa mo pang kuya!"

I laughed at her sentiment. "Mommy, wala nga rin pong girlfriend si Kuya Shan, hinihingian niyo pa po ng apo!"

She pouted, making me laugh more. "Hija, I'm growing older fond of kids! I enjoy hearing their laughter, even their tantrums! Oh, I'm scared I'll spoil my other future grandchildren!"

As Promised (Ferrer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon