Matapos ang isang buwan na nilaan namin para sa aming honeymoon, narito na kami ulit sa Batanes, sa mansion, para dito muna manatili bago bumalik sa trabaho si Miguel sa Maynila. Pero ngayon ay palipad na rin kami pa-Maynila, at sa condo niya na maninirahan.
Ilang linggo na ang lumipas ay pinalipat na ni Miguel ang mga gamit ko sa condo niya para hindi na mamroblema pa sa mga kakailanganin ko kapag naroon na ako.
When we landed on the condominium's helipad, Miguel helped me walk down the chopper.
"All of my things are really here already?" tanong ko nang nasa elevator na kami pababa sa floor ng kanyang kwarto.
Hawak ang kamay ko, tumango siya at nilingon ako.
"Why?" nagtaas siya ng kilay.
"Hmm," ngumiti ako, at umiling. "Wala naman. Just can't believe that I'll be living with you from now on."
Ngumisi siya. "You're still not believing things until now? Too surreal, huh?"
"What?" kinunot ko ang noo ko. "What are you trying to say, Miguel?"
Lalong lumaki ang ngisi niya, at nagkibit balikat bago ibinalik ang tingin sa kaharap naming elevator door. "Nothing, babe."
Umirap ako, at umiling. "Yabang mo, ah? For all I know, ikaw ang nangangarap diyan na mapakasalan at maging asawa ako, 'no!"
"Hmm," he laughed. "Of course, that's my dream. What else would I want, baby, after having a name of my own?"
Sa yabang ng tono niya, hindi ko pa rin maiwasan ang pamulahan ng pisngi at tainga dahil lang sa pagkumpirma sa sinabi kong pangarap niya nga ang mapakasalan, at maging asawa ako. Ano ka ba naman, Luna? Isang buwan na ang lumipas, hanggang ngayon hindi ka pa rin makamove-on na siya na ang asawa mo?
"Bolero," I mumbled. My stomach turned from all the butterflies I was trying to tame when he kissed my hand as he looked straight into my eyes.
Amusement evident in his eyes, the elevator chimed, and the door opened.
"What do you want for lunch?" aniya nang makapasok na kami sa loob.
I shrugged. "I actually don't know. Hindi pa ako gutom."
Still holding my hand, inilapag niya ang mga susi niya, at nilingon ako, nakataas ang kilay. "And why is that?"
I shrugged again. "Because I'm still not hungry? I'm still full?"
I chuckled at his almost rolling of eyes, shaking his head.
"Let's go to your room, let's watch movies for now!" yaya ko.
Muling kumunot ang noo ko nang ngumisi siya sa 'kin. "You know what happens when we're alone in our room, Luna Madelaine..."
Tinaasan ko rin siya ng kilay, nararamdaman ang pag-init ng pisngi at tainga. "Ano naman ngayon? Mag-asawa naman na tayo?"
Roaring in laughter, he lightly tugged my hand as we walked to his sofa, making me sit on his lap. Immediately, his arms snaked around my waist. "Aren't you sore, hmm?"
Agad akong napanguso sa tanong niya. I can still do it even if I'm sore, though. Kagabi nga ay nakailan kami... wait, what?!
Lalo akong namula.
"Oh..." lalo siyang natawa. "Don't even reason what happened last night, Luna. I know what you're thinking."
"I am not!" deny ko. "Pwede ba, Miguel? Hindi ako ganoon kahayok sa... ano..."
"Sa ano?" he started raining light kisses on my nape and neck.
"Sa..." I trailed as I feel his kisses. Damn it! "Jesus..."
BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Teen FictionSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...
