After dinner, the girls, along with the kids, went up to the cinema to watch 'Moana'. The girls are dying to watch a disney movie. Panay reklamo naman iyong dalawang pamangkin ko dahil ang gusto raw nila ay 'Despicable Me'. The movie suddenly reminded me of the Halloween Party the café I part-timed at hosted years ago. At iyong... katangahan ko dahil sa kalasingan.
Ang mga lalaki naman ay nag-iinuman sa restaurant. Pinilit pa nila si Bien na sumama sa kanila, pero dahil sa may iba pang customer maliban sa pamilya namin, kinailangan niyang tumugtog sa party area as entertainer.
Walang sinamahan kahit na sino, I'm drinking my wine in front of the beach. This might be my favorite time of the day. Iyong mag-isa akong nakatingin sa dagat, tahimik at walang nanggugulo.
The sound of the waves crashing to the shore is so peaceful to my being. The salty breeze that I inhale somehow calms down my messy self. Thank my brothers for building me a big house in front of the sea. Sa nangyari sa buhay ko, pakiramdam ko, ito ang huli kong hantungan, maliban sa kamatayan. Kung baga, kung saan man ako mapunta, dito at dito ako uuwi.
I sighed deeply.
"You're alone here, once again," pinigilan kong mapairap nang marinig ang boses niya. "Seems like your boyfriend really lets you out at night alone, huh?"
"And... how does that concerns you?"
"Well, you're a girl," aniya. Kumunot ang noo ko. E, ano ngayon? "Even if you're not mine anymore, I'd oblige myself to take care of you. Even if you don't want me to."
Agad na nag-init ang pisngi at tainga ko. Mabuti na lang at madilim. Malabong malaman niya ang pamumula ko. Bakit ba siya ganito magsalita? Tss. My face remained unshaken by his words. Ayokong ipakita sa kanya na naapektuhan ako, lalo na't nakatingin siya sa 'kin ngayon.
"Do you still know MMA?" tumango ako, 'di na makapagsalita sa bilis ng tibok ng puso. Damn his effect on me. Pitong taon na ang lumipas pero parang first year college pa lang ako kung matamaan at maapektuhan sa mga banat niya!
"That's good," naramdaman ko ang pagtango niya. "Pero 'di dahil marunong ka pa rin ng MMA, hahayaan mo na mag-isa ka nang ganito sa dilim. You can't deny the fact the men are stronger than you. Iba ang composition ng katawan namin kumpara sa katawan niyo."
"Hmm, spare me from your scolding, Miguel," I hid my smile behind my glass. Tss, ngayon lang ata ako nasiyahan habang sinesermunan.
"Tss, I'm saying this to you because your boyfriend seems to not learn from what I told him earlier," mariin niyang wika.
"Such a dumbass," he whispered.
Ngumisi na ako, hindi na mapigilan. "Anong sinabi mo?"
Tumaas ang kilay ko sa pagkaaliw. He's really under the impression that Bien is my boyfriend, huh?
"Nothing," he mumbled.
"Hmm," I softly chuckled. "Don't worry, Miguel, I'll make sure that my future boyfriend won't allow me to go out alone."
Napatingin ako sa kanya matapos ang mabilis niyang paglingon sa 'kin.
"What?" he suddenly looked confused.
I just shrugged at him, continued drinking my wine. Bumuntong hininga na lang siya sa tabi ko, at sinamahan akong pagmasdan ang dagat. Pumikit ako at dinama ang lamig ng hangin.
"You like the beach?"
"Yeah," I whispered on the glass against my lips. Tumango-tango siya.
"I hope you'd hear me out soon," aniya, basag sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Teen FictionSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...
