Chapter 5

65 3 0
                                    

Huwebes na ngayon at ikalawang araw na matapos ang nangyari kina Ken at Xandrea.

Andito ngayon nakatambay ang mga 1st class sa mini-park bukod kay Nikki. Hinihintay nila ang kanilang Empress na absent kahapon dahil sa nangyari no’ng Martes.

Umpisa na sana ang 1st period pero buti nalang vacant ng ABM. Sila William at Maika naman umabsent muna sa klase.

“Sa tingin niyo ba alam na ni Empress kung sino talaga ang may pakana no’ng nangyari sa kaniya?” tanong ni William.

“Ewan. Simula no’ng hinatid namin siya nila Craine at Trex hanggang ngayon, ni isang text wala pa akong nareceive galing sa kaniya,” sagot ni Venice.

Si Maika naman ngayon ang nagsalita, “Basta sigurado ako na galing sa ibang grupo ang nagplano non.”

“May posibilidad din na si Trex at ang grupo niya ang may pakana non. Tapos drama nalang ‘yong siya daw ang nagligtas kay Empress.” -William.

“Naalala niyo ‘yong lalaki na pinabugbog natin? May chance rin na baka siya diba?” tanong ni Venice.

“Pa’no niya ‘yon magagawa eh halos mawalan na ‘yon ng malay ng iwan natin?” -Craine.

“Baka nagtawag siya ng backup?” -Maika.

“Transferee lang siya. Imposibleng may tropa na siya agad dito sa school. Isa pa nakita ko ‘yong impormasiyon tungkol sa kaniya na galing kay Nikki, hindi siya gano’n ka yaman para magbayad ng mga lalaki na mambubogbog kay Xandrea diba?” -Craine.

“Hindi natin masasabi, Babe,” sagot ni Venice.

Bigla namang natahimik ang 1st class nang marinig nilang nagring ang phone ni Venice.

“Oh. It’s Xandrea.” Sinagot naman agad ni Venice ang tawag.

Ilang segundo lang ang pakikinig ni Venice galing kay Xandrea na sa kabilang linya, binaba niya ito agad matapos sabihin ang katagang mini-park.

“She’s here.”

“Susunduin daw ba natin?”

“Wag na daw. Andito na siya sa school. Nagtanong lang kung saan tayo.

Ilang minuto nang paghihintay at nakita na nga nila si Xandrea. Naka-choker ito ngayon para siguro maitago ang marka ng sugat sa kaniyang leeg.

“Xand, ayos ka na ba talaga?” tanong agad ni Venice sa kaniya.

“Yeah. By the way, do you guys know where’s the class of that guy named Ken?”

“Bakit?”

“He’s the only one I can think of that has enough guts to do those things to me last Tuesday.”

“Pero Empress, naisip na namin ‘yan. Imposible kasi halos wala na siyang malay no’ng iwan natin tapos transferee lang siya. Wala pa ‘yong madaming kilala dito na tutulungan siya maghiganti sa’yo,” paliwanag ni Craine.

“Malay natin may mga kamag-anak pa siya dito bukod sa Phillip na ‘yon,” sagot naman ni Xandrea.

“Posible din namang ‘yong Trex na ‘yon ang may kagagawan ng lahat diba?”

“Craine, siya ang nagligtas sa akin.” May kung ano talaga kay Xandrea na nagsasabing dapat niyang pagkatiwalaan si Trex. O baka dahil may nararamdaman parin talaga ito kay Trex kaya nagiging irasyonal siya ngayon?

Si William naman ang nagsalita, “Baka galing sa ibang grupo? Sa Block G o sa Raven Clan?”

“Pero wala tayong enough na ebidensiya. Hindi maganda na nagtuturo lang tayo ng kung sinu-sino ngayon," wika ni Venice.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon