Chapter 50

41 2 0
                                    

Napatingin uli si Xandrea sa magkasalikop nilang kamay ni Ken. Pakiramdam niya'y natunaw na naman ang puso niya dahil sa nararamdamang saya.

Xandrea let out a small smile because of this, but then it didn't last for long when Ken let go of her hands.

Bigla siyang nag-alala na baka iwan na naman siya ng lalaki. "Ken, please. I'm... I'm sorry. Just talk to me please. Kailangan nating mag-usap."

"Kailangan ko ng umalis. Please don't make this hard for the two of us. Wala naman na tayong kailangang pag-usapan, 'di ba?"

"Please. Humihingi ako ng tawad. Sorry kung hindi ako nagtiwala sa 'yo. They deceived me, Ken. Pinagkaisahan nila ako. Pinamukha ka nilang masama sa paningin ko but please know na ikaw talaga ang gusto ko at hindi si Trex."

Ken let out a sarcastic laugh after hearing Xandrea's words. "Ngayong nalaman mong niloko ka lang ni Trex, babalik ka uli sa 'kin? Ano ba'ng tingin mo sakin, Xand? Rebound? Hindi dahil alam mong gusto kita, pwede mo na akong gamitin dahil wala na si Trex."

"What are you saying? Hindi kita ginagamit kasi ikaw naman talaga ang totoong gusto ko. Sinabi ko lang dati na kami na ni Trex kasi nasaktan mo ko. Nasaktan ako at natakot na pagkatiwalaan ka ulit."

"Exactly! Natakot kang pagkatiwalaan ako. That just means one thing- you don't trust me enough. And if you don't trust me enough, that also means that I am just nothing to you. Pa'no ko ngayon papaniwalaan ang sinasabi mong gusto mo ako kung hindi mo naman ako magawang pagkatiwalaan?"

Xandrea became speechless. Gusto niyang isigaw sa lalaki na siya nga talaga ang gusto nito pero hindi niya alam kung saan magsisimula.

"Ken, I'm sorry if I failed putting my trust on you. I'm also sorry if this wish would be a selfish one but... can you trust me this time? Pwedeng bang pagkatiwalaan mo ako ngayon sa sinasabi ko na ikaw talaga ang gusto ko?"

Ilang segundo ding natahimik si Ken. Kitang-kita kasi kay Xandrea kung pa'no ito magmakaawa ngayon.

"I'm sorry, Xand," ang tanging naisagot ni Ken pagkatapos ay tinalikuran na si Xandrea.

Xandrea was left, crushed for the nth time. Durog na durog na siya. Ubos na ubos na siya.

Ilang minuto din ang tinagal niya sa hallway dahil pakiramdam niya, wala na siyang lakas pa para maglakad papuntang parking lot. Mabuti nalang talaga wala masyadong estudyante sa lugar na pinag-usapan nila ni Ken kaya walang nangtsi-tsismis sa kaniya.

After minutes of digesting what had happened between her and Ken, kahit wala sa sarili ay nag-umpisa na siya sa paglalakad.

She needs to go home. She needs to rest after using a lot of her energy dealing with her unending problems.

Nang makarating sa parking lot ay agad naman niyang nakita si Bert. Sumakay na siya sa kotse at umuwi sa bahay nila.

Hindi pa nakakauwi ang Daddy niya nang makarating siya sa bahay nila kaya nauna na siyang kumain.

Sa katunayan ay wala naman talaga sana siyang gana kaso siguradong pipilitin na naman siya ng Daddy niya mamaya kaya ngayon palang kakain na siya.

Gusto niya nalang kasing magpahinga mamaya sa kaniyang kwarto. Nawawalan na naman kasi siya ng ganang kumilos matapos ang pag-uusap nila ni Ken.

"Manang," tawag ni Xandrea sa maid.

"Po, Ma'am?"

"Please tell Dad later na nauna na akong kumain. Gusto kong matulog ng maaga."

"Sige po, Ma'am."

Kunti lang naman ang kinain niya at nang matapos ay agad siyang pumunta ng kwarto.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon