Epilogue

85 2 6
                                    

A/N:

Yeyyy! Finally, may isa nadin akong story na natapos dito sa Watty. :))

krnjoyy thank you bhest sa all out support mo simula no'ng una hanggang ngayon. May mga times na nawawalan na ako ng ganang tapusin to pero sinasabi mong dapat matapos ko 'to kaya eto na... hihi.

To my original ports, my tropa.... tropang BIG!!! I know you guys can't read this right now but please know that I am really thankful cause I was able to enjoy my highschool life because of you. Kaya ko din nabuo ang story na 'to dahil sa inyo. (#^.^#)

Okay. Ito na po talaga. 😅👇

+++

"Finish her, Venice!" sigaw ni Maika.

"Hindi niya 'yan kaya! Dali na, Venice!" Samantha added.

"Xand, umalis ka diyan! She will corner you!" nag-aalalang sigaw ni Craine.

Mula sa mga kaibigan ay napalipat ang tingin ni Venice sa nanghihina na ngayong si Xandrea.

"Dali na, Nice." Xandrea is just forcing herself to talk properly. "Tapusin mo na ang laban."

Seeing Xandrea's bruised face and pleading eyes, Venice wasn't able to stop her mind from reminiscing all the memories she had with Xandrea. She failed in controlling herself when the series of events started flashing on her mind.

~

"Stop acting like you're really rich! Hindi ka naman talaga mayaman!"

"Yeah. Her parents are mere owners of a small store. She's nothing compare to us."

"You don't belong here, Venice! You should transfer school. Pang-mayaman lang ang Wellton!"

Walang nagawa ang batang Venice kundi umiyak nalang matapos marinig ang mga sinabi ng kaniyang tatlong kaklase.

"Ngayon iiyak ka? Akala ko ba matapang ka?"

"Iyakin pala to, e. Lumaban ka nga samin!"

Nilapitan ng tatlong bata si Venice pagkatapos ay tinulak-tulak ito.

"Tama na nga 'yan," naiiyak na sabi ni Venice. "Nasasaktan ako."

"Really? Nasasaktan ka? Then good. We want you to be hurt."

Ipinagpatuloy lang ng tatlo ang ginagawa kay Venice na hindi man lang pinapakinggan ang mga pagsusumamo nito.

"Hoy! Sinasaktan niyo na naman ba ang kaibigan ko?"

Natigil ang tatlong bata sa ginagawang pagtulak kay Venice nang marinig nila ang isang pamilyar na boses.

"X-Xandy?" nauutal na wika ng isang bata.

Agad lumapit si Xandrea sa apat pagkatapos ay itinago si Venice sa likod niya. "Bakit niyo sinasaktan si Venice? You even make her cry!"

"Sorry, Xand." Halos hindi na matingnan ng tatlo si Xandrea dahil sa kaba.

"Hindi dapat ako ang sinasabihan niyo ng sorry."

"S-sorry, Venice." Halos sabay na wika ng tatlo.

"Kapag malaman ko talaga na binu-bully niyo padin si Venice, humanda kayo sakin. Isusumbong ko kayo kay Daddy. Gusto niyo ba 'yon?"

"No, Xand! 'Wag please. Sorry na." Mangiyak-ngiyak na sagot ng isa sa tatlo.

"Umalis na kayo!"

Matapos marinig ang inutos ni Xandrea ay kumaripas ng takbo ang tatlo.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon