Chapter 3

72 3 0
                                    

“Binubuo ang Devils’ Empire ng tatlong classes. 1st Class sina Venice Garcia, Craine Pascual, Maika Benedicto, William Cole at Nikki Natividad. Si Venice ang Chairman ng Student Council. Siya ang pinakamabait sa 1st class at siya din ang pinaka-close ni Empress bukod kay Craine. Si Craine naman ‘yong tutulak sana sa’yo kanina. Boyfriend ‘yon ni Venice at siya ang pinaka-close na lalaki ni Empress. Soccer ang sport niya at miyembro din siya ng Mathematics Guild."

"Si Maika ‘yong ubod ng arte. Captain siya ng cheerleading squad ng school. Si William ‘yong mukhang foreigner kanina. His dad is a German, and Filipina naman ang Mom niya. Wala siyang sinasalihang organization. Ang huli ay si Nikki Natividad. Siya ‘yong palaging nakasalamin na wala kanina. Kabilang siya sa 1st class pero ang role lang naman niya sa grupo is taga-gawa ng projects at assignment at utusan na rin ng lima.”

Naglalakad na ngayon sina Ken at Tanaya patungo sa tambayan na sinasabi ng huli. Hawak nila ang ni-take out nilang pagkain para sa lunch. Ilang hakbang pa ay pumasok na si Tanaya sa isang classroom. Sumunod din si Ken at nagulat naman ito sa nakita sa silid ng classroom. Puno ng music instruments at may microphone stand sa gitna.

“Ito ang tambayan mo? Sure ka? Baka mapagalitan tayo dito hah?”

“Hindi yan.”

“Sigurado ka?”

Ngumiti lamang sa kaniya si Tanaya. Ilang saglit pa nang may pumasok na ideya sa isipan ni Ken. “Don’t tell me miyembro ka ng banda?”

Tinignan lamang siya ni Tanaya at muling ngumiti.

“Ano?! So miyembro ka nga talaga ng banda? Ano’ng instrument mo?”

“Kaya kong tumugtog ng gitara, piano at drums pero bokalista ako.”

“Bokalista?!”

“Oo. Bakit parang di ka makapaniwala?”

“Magaling kang kumanta?”

Napatawa saglit si Tanaya. “Malamang. Bokalista ako eh.”

“Talaga ba? Ako kaya ko ring tumugtog ng acoustic guitar tsaka piano eh.”

Si Tanaya naman ngayon ang nabigla. “Talaga? Kaya mo? O baka nagbibiro ka lang kasi akala mo nagbibiro ako?”

“Naniniwala ako sa ‘yong bokalista ka. Tsaka hindi din ako nagbibiro.”

“Talaga? Alam mo, wala pa kaming pianista ngayon. Graduate na eh. Pwede kang mag-audition samin anytime.”

“Ayoko. Nahihiya ako.”

Hindi naman makapaniwala si Tanaya sa sinabi ni Ken. “Ang tapang tapang mo kanina sa Devils tapos sasabihin mo ngayon nahihiya ka?”

“Speaking of Devils, Tanaya, ipagpatuloy mo na ang kuwento mo tungkol sa kanila. Pag-iisipan ko next time kung mag-aaudition ba ako dito o hindi.”

“Hindi ako magkukwento kung hindi mo ipapangako na mag-aaudition ka sa banda.”

“Ano?! Tanaya naman eh. Bakit may kapalit?”

“Eh ‘yon gusto ko eh.”

Bakas ang inis sa mukha ni Ken pero napatawa nalang si Tanaya. Ilang saglit pa nang magsalita si Ken, “Sige na nga. Total wala pa naman akong sinasalihang club dito sa school.”

Ngiting tagumpay ang nakaukit sa mukha ni Tanaya. “Sige. Magkukwento na ako. San na nga ulit tayo?”

“Tapos ka na ata sa 1st class. Sa 2nd at 3rd na.”

“Ay, sige. So 2nd class, sila ‘yong mga kasama ng 1st class sa iba pang galaan, inuman at clubbing. Kasama din sila sa mga underground fighting ng grupo.”

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon