Chapter 28

36 2 17
                                    

"Bakit mo 'yan kasama dito?" Nagdidilim ang mukha ni Trex habang tinatanong si Xandrea.

Napatayo agad ang dalaga. Si Craine sumunod nadin kay Trex at ngayo'y nasa harapan nadin nila.

"Ako ang nang-aya sa kaniya dito." Xandrea is trying to compose herself and tell story so that Trex and Craine won't get angry at Ken. Alam niyang nagulat ang dalawa matapos siyang makita na kasama si Ken.

Masama parin ang tingin nina Trex at Craine kay Ken pero ang huli ay ibinabalik lang din ang kanilang tingin na para bang wala siyang pakialam sa dalawa.

"I can't understand you, Xand. Akala ko ba magkaaway kayo niyan?" tanong ulit ni Trex.

"We're good, Trex. Nagkaayos na kami."

"Kailan pa?"

"I'll talk about it later. Umalis na tayo." Agad hinawakan ni Xandrea ang kamay ni Trex at ikinabit niya din ang isa pang kamay sa braso ni Craine para mahila ang dalawa.

"Ken, una na kami," pagpapaalam ni Xandrea sa lalaki.

Tinanguan lang siya ni Ken kaya nag-umpisa na niyang hilahin ang dalawang lalaki palabas ng NeChi's.

Habang naglalakad sa labas ay pilit inagaw ni Trex ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ni Xandrea, nagpapakita na naiinis padin ito sa nakita kanina.

Nabawi niya ang kaniyang kamay kaya binitawan nadin ni Xand ang braso ni Craine pagkatapos ay hinarap si Trex.

"Kailan pa kayo naging okay non?" tanong ni Trex.

"Just this week. Nalaman kong okay naman pala siya. Inaya ko siyang kumain muna kanina kasi nagugutom ako at nakita ko siya sa labas ng Wellton," pagsisinungaling ni Xandrea.

"How sure are you that that guy is really good, Xand?" Si Craine naman ngayon ang nagtanong kaya bumaling siya sa pwesto ng lalaki.

"Come on. It's not like he can do something to destroy us."

"But he already did." Si Trex ulit ang nagsalita. Mukhang sa usaping 'to ay nagkakasundo sila ni Craine. "Baka nakakalimutan mong muntik ka ng mabisto ng Daddy mo dahil sa kaniya?"

Xandrea frozed because of what Trex said.

Oo nga pala. Andami ng ginawa ng lalaki sa kaniya at sa grupo niya na sapat upang paghinalaan nina Trex at Craine.

Feeling of uncertainty crept within her, but it didn't last long when that uncertainty perished when she remembered how sincere Ken was the last time they had a heart-to-heart talk.

There's really something within her saying that she can trust Ken.

"Kung sakaling gagawin nga niya ulit 'yon, ako na mismo ang magpapatahimik sa kaniya. Now if the two of you will grant my request, can you please lead the way to where the car is? Pagod na ako."

Hindi na nagsalita pa ang dalawa. Nauna nang maglakad si Trex pabalik ng Wellton. Sumunod na din si Craine kaya nakahinga nang maluwag si Xandrea.

That was a literal hotseat.

Sumunod na si Xandrea sa dalawa habang nag-iisip na sana nga, sana... hindi siya tatraydurin ni Ken.

Nakarating ang tatlo sa parking lot. Pinagbuksan ni Trex si Xandrea ng pintuan sa shotgon ride. Si Craine naman naupo sa likod.

Tahimik lang ang tatlo habang nagmamaneho si Trex. Para mapunan ang katahimikan ay pinagtugtog nalang ni Trex ang stereo ng kotse hanggang makarating silang tatlo sa bahay niya.

"They are here!" Masayang-masaya si Maika nang makitang nakarating na ang kotse ni Trex.

Dahil sa sinabi ni Maika ay napapisik si Venice sa pwesto. Kinakabahan parin siyang makita si Craine dahil nga sa nangyari kagabi.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon