"What's our assignment nga pala, guys?" tanong ni Venice sa ibang mga kaklase niya.
"Sa FABM, Nice. Find the liabilities daw in the given table," sagot ng kaklase habang tinuturo ang assignment sa module.
"Shocks. Hindi pa ako nakakagawa."
Nang marinig ang sinabi ni Venice ay agad namang sumali si Xandrea sa usapan. Kanina pa pala ito nakikinig sa kanila. "I've finished answering that. You can copy mine, Venice."
Imbis na maging masaya si Venice sa tinuran ng kaibigan ay mas nainis pa siya kaya inirapan niya ito bago bumalik sa kaniyang upuan.
Ganito nalang palagi ang nangyayari sa pagitan nila Venice at Xandrea. Lalapitan siya ni Xand at kakausapin, tapos siya, lalayo din naman agad.
Binigyan naman na siya ni Xandrea ng ilang araw para makapag-isip, pero dumating ang araw na hindi na nakayanan ni Xandrea kaya inumpisahan na niya itong kulitin pero wala parin namang nangyayari. Galit padin si Venice sa kanila ni Craine.
"How's school?" Ken asked her from the other line.
Natapos na naman kasi ang panibagong araw at eto sila ni Ken, nag-uusap sa cellphone.
"Ganon parin naman. Hindi padin lubusang maayos kasi nga hindi padin kami pinapansin ni Venice."
"Hayaan mo na muna siya, Xand. Babalik at babalik din 'yan sa inyo."
"Pero pa'no kung hindi na? Natatakot ako, Ken. Natatakot ako na tuluyan nang lumayo ang loob sakin ni Venice. Nakayanan ko dati kay Trex pero sigurado akong hindi ko na makakaya ngayon kay Venice."
"Kung totoo mo talagang siyang kaibigan, siguradong maiintindihan ka non. Siguro hindi ngayon pero darating ang araw na maiintindihan ka non."
"Sana nga."
Kinabukasan ay ganon na naman ang naging eksena sa klase.
Nang i-dismiss sila for lunchbreak ay agad tumayo si Xandrea para lapitan si Venice.
"Nice, you want to join us in the cafeteria?"
"No, thanks. Sa labas ako kakain," walang emosyong sagot ni Venice pagkatapos ay nauna nang lumabas ng classroom.
"Ayaw padin niya," wika ni Craine na nasa likod na pala ngayon ni Xandrea.
Napabaling dito ang huli. "Hindi ako sanay na ganiyan siya satin."
"Kasalanan ko 'to. Kaya siya nagkakaganyan dahil sakin."
"'Wag na tayong magturuan pa kung sino ba talaga ang may kasalanan sa pagkakaganiyan ni Venice. Lahat naman kasi tayo may maling nagawa."
Pagkatapos ng maikling usapan ay naglakad na ang dalawa papuntang cafeteria.
Agad naman nilang nakita si William na papunta din doon kaya nagsabay nalang silang tatlo.
Sabay-sabay na nag-order ang tatlo sa kiosk at nang pabalik na sila sa table dala ang mga order, bigla nilang nakasalubong ang grupo nila Trex.
Natigilan ang tatlo habang kaharap si Trex, Sean, Samantha at Dwight.
Nahalata ni Trex na parang nagiging awkward na ang paligid kaya siya nalang ang nagsalita, "Nice meeting you, Devils. Geh. Alis na kami."
Hindi alam ni Xandrea kung ano ba dapat ang isagot niya sa lalaki kaya tumango nalang ito at nagpakawala ng isang pilit na ngiti.
Pagkatapos non ay nilampasan na sila nina Trex kaya nag-umpisa nadin silang maglakad papuntang table nila.
"Sasabay daw ba si Maika satin?" tanong ni Xandrea kay William nang makapwesto na sila sa table.
![](https://img.wattpad.com/cover/225459007-288-k181981.jpg)
BINABASA MO ANG
High School
JugendliteraturGENRE: Teen Fiction, Gangster LANGUAGE: Filipino & English STATUS: Completed DATE STARTED: May 16, 2020 DATE FINISHED: August 11, 2020