Chapter 24

28 3 1
                                    

"Don't smile often 'cause I'm falling even more everytime I see you smile."

"Don't smile often 'cause I'm falling even more everytime I see you smile."

"Don't smile often 'cause I'm falling even more everytime I see you smile."

Kanina pa nagre-rewind sa utak ni Xandrea ang sinabi ni Trex sa date nila.

Sinubukan na niyang aliwin ang sarili sa ibang bagay pero wala talagang epekto. Ni hindi nga siya makapagsimula sa pagre-review sa FABM 1. Naaalala at naaalala niya parin ang mga salita ng lalaki kanina.

"Xandrea, baliw ka na." Ngayon ay kinakausap na niya ang sarili at pinupukpok pa nang mahina ang ulo.

Ilang sandali pa'y naisip niyang mag-open nalang ng IG at i-DM si Trex tungkol sa mga pictures niya kanina.

In-open na niya ang WiFi at nagtataka siya ba't andami niya atang notifications sa Instagram.

@trexkliffordgomez tagged you in a post.

@nice.garcia, @kweenmaika & 2 other friends commented.

The fudge? 'Wag niyong sabihing tama ang iniisip ngayon ni Xand?

Dali-dali niyang binuksan ang account at bumulagta sa kaniya ang post ni Trex at ang picture niya kanina sa lake na expressionless habang tinitingnan ang mga isda. Tiningnan niya sunod ang caption ng lalaki.

Best moments with the best person.

Agad siyang nag-swipe left at dalawa naman ngayon sila sa picture kasama ang bike. Iniirapan niya si Trex samantalang ang lalaki ay tumatawa.

Ni-swipe niya ulit at ang picture naman nila kasama ang mga bata ang nandito. Niyayakap niya pa 'yong batang nabunggo niya. Para tuloy silang Mommy at Daddy ng limang mga bata.

Sunod na picture ay kumakain siya ng icecream. Halatang stolen pero buti nalang maayos padin ang mukha niya.

Isang picture nalang ang natitira. Pagka-swipe palang ni Xandrea, napasapo siya sa noo dahil ito 'yong selfie nila ni Trex kanina na mukha siyang ewan.

Lagot talaga 'yong lalaking 'yon sa'kin.

1 hour ago na 'to. Madami na din ang likes at comments pero nasa top comments ang mga kaibigan niya.

@nice.garcia uwu. sweet. sunday well-spent sissy @empress.mickaella

@kweenmaika kyaaaaaaa. kiliggggg.

@kweenmaika sana all may kadate.

@williamcole may nagpaparinig na isa diyan. newey, sana all nga talaga.

@brandon empress and emper- asdfghjkl

Aish! Dumagdag pa 'tong mga kaibigan niya.

Agad siyang nag-DM kay Trex.

To @trexkliffordgomez
vakit mo pinost?

To @trexkliffordgomez
*bakit

Agad naman nagreply ang lalaki.

From @trexkliffordgomez
ayaw mo?

Hindi na alam ni Xandrea kung ano ba dapat ang maramdaman niya ngayon.

May parte sa kaniyang kinikilig pero mas nangingibabaw ang pagkainis dahil hindi naman humingi ng permission sa kaniya ang lalaki para ipost ang mga pictures. Isa pa ay nahihiya siya sa mga kaibigan at sa iba pang nakakakilala sa kaniya na nakita ang post ni Trex.

To @trexkliffordgomez
trex, sana naman kasi humingi ka muna ng permission sa akin. oo nga't cellphone mo ang ginamit pero mga picture ko padin yon.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon