“Hin…di a..ako nata… takot s-sa inyo.”
Xandrea was shocked because of Ken’s bravery pero hindi niya ito pinahalata. She just smirked and said, “I’m considering to stop them already from torturing you but because of what you’ve said, mukhang kulang pa ata ang natamo mo. You’re giving me with no option but to let them continue what they’re doing to you.”
Tumayo na ng tuwid si Xandrea at hinarap ang isa sa mga bumubugbog kay Ken. “Follow me.”
Nagtaka ang mga 1st class at pati narin ang lalaking inutusan ni Xandrea pero sumunod lamang ito sa kaniya.
They walked to distance themselves meters away from Ken and the others. “Torture him for additional 20 minutes but make sure to not cause major complications on him and not kill him 'cause we are not yet done with him. Understood?”
“Yes, Empress.”
At naglakad na sila pabalik kung saan ang 1st class, si Ken at ang dalawa pang nambubugbog kay Ken.
“Let’s go, 1st class,” wika ni Xandrea at tuluyan na silang naglakad paalis.
Sinimulan na ring bugbugin ulit ng tatlo si Ken.
Ah, eto pala ang sinabi niya sa lalaki– na bugbugin pa ako. Baka sinabi niya ring patayin nalang ako. Ang siyang laman ng isipan ni Ken.
Natakot siya sa naiisip pero wala narin naman siyang magagawa kundi tanggapin nalang ang mga suntok at sipa galing sa tatlong mga lalaki.
+
“Ano’ng sinabi mo sa 3rd class?” tanong ni Venice kay Xandrea.
Hinarap naman siya ni Xandrea. “It’s none of your business.”
Natahimik nalang si Venice sa sinagot ng kaibigan. Pati ang iba pang 1st class ay nanahimik nalang din dahil nahihimigan nilang wala sa mood ang Empress.
Ilang minutong paglalakad ang nagawa nila nang nagsalita uli si Xandrea pagkatapos tingnan ang oras sa relo niya, “4:10. You’re already late for your meeting, Venice.”
“Yeah. I should get going, Xand," sagot nito.
“Me too, Empress. Promise. Asa shed na ako mag-six.” Nagpaalam nadin naman kanina si Maika na may meeting din sila ng cheerleading squad.
“Then see you 6 pm sa shed, guys,” William said.
“Aalis ka din? Wala ka namang org, hah?” tanong ni Craine.
“I’ll visit some of my junior high classmates. Alam mo na. Iba nang school but I’ll be back here 6 pm sharp.”
Tumango nalang si Xandrea sa eksplenasiyon ni William. Nagsimula nang umalis ang tatlo upang pumunta sa kani-kanilang meetings. Si Venice humalik pa sa pisngi ni Craine bago umalis.
Tinahak nalang din nina Xandrea at Craine ang daan patungo sa shed na siyang pinag-usapang meeting place nila bago pumunta sa club mamaya. Nang makarating na sila dito, kinausap ni Craine si Xandrea. “You’re still bothered by that guy. Kalimutan mo na ‘yon, Xand. Hindi na ‘yon uulit.”
Nanatiling tahimik lamang si Xandrea. Tinignan lang ng mariin ni Craine ang kaibigan. Mukhang wala talagang balak magsalita ito. Ngayon ay hawak na ng dalaga ang kaniyang cellphone at inaliw ang sarili sa kakapindot nito.
Hinayaan nalang ni Craine si Xandrea. Ilang minuto na ding binalot ng katahimikan ang dalawa pero ni katiting na awkwardness wala man lang nararamdaman ang bawat isa. Sanay naman na kasi sila sa presensiya ng isa’t-isa at sanay naman na si Craine sa katahimikan ni Xandrea.

BINABASA MO ANG
High School
Teen FictionGENRE: Teen Fiction, Gangster LANGUAGE: Filipino & English STATUS: Completed DATE STARTED: May 16, 2020 DATE FINISHED: August 11, 2020