Chapter 30

29 2 2
                                    

Pagkatapos kumain ng Devils at ni Trex sa cafeteria, kitang-kita ni William kung gaano nagmamadali ang kanilang Empress para makaalis dito. Ayun sa kaniya, may importante daw siyang gagawin.

Hindi niya nalang pinansin ito dahil meron din naman siyang kailangang gawin kaya nagpaalam nadin siya kina Trex at Maika.

"Una na ko, guys. May importante din kasi akong gagawin." Hindi na hinintay ni William ang sagot ng dalawa. Tumakbo na siya agad palabas ng cafeteria.

Naiwan naman sina Maika at Trex na nagtataka. Nagkatinginan pa sila na parang nagtatanong sa isa't-isa ba't iniwan sila nina Xandrea at William.

Agad dumiretso si William sa Roxas Building at dahil nagkakapunuan ang elevator, hagdan nalang ang ginamit niya.

Nang makarating sa 4th floor, dumiretso na siya sa classroom nila Venice at nakita ang babaing nakaupo at tulala sa silya. Maiingay ang classmates nito pero parang wala lang siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid.

Pumasok na si William sa classroom at kinausap ang babae, "Nice."

Napatingin sa kaniya si Venice at bakas ang pagkagulat nito ng makita si William. "Will? Ano'ng ginagawa mo dito?"

Imbis sumagot ay tinanong niya pabalik ang kaibigan. "Bakit hindi ka kumain?"

"Kung 'yan lang naman ang ipinunta mo dito, makakaalis ka na, Will. Wala akong ganang kumain."

"May gusto akong sabihin sa'yo."

Napatingin ulit sa kaniya si Venice. "Ano?"

"Pwedeng lumabas muna tayo? Ang ingay dito sa classroom niyo."

Napansin ni Venice na parang importante nga ang sasabihin ng kaibigan kaya tumayo na siya at nag-umpisa nang maglakad palabas ng classroom. Sumunod nalang din sa kaniya si William.

"Ano'ng sasabihin mo?" agad na tanong ni Venice nang makalabas na sila ng classroom. Kahit papano'y nabawasan nadin ang naririnig nilang ingay mula sa loob ng classroom.

William gulped. Bigla ata siyang kinabahan. Sa oras na malaman ni Venice ang tungkol kay Kate, siguradong mag-aaway talaga sila ni Craine. Pero ito naman talaga ang dapat niyang gawin 'di ba? Binigyan niya ng oras si Craine para ayusin ang lahat sa kanila ni Venice pero hindi niya ginawa.

"William?" tanong ulit ni Venice.

"Nice, kasi..."

Makikita sa mukha ni Venice na gustong-gusto niya ng marinig ang kung ano mang sasabihin ni William pero nang inilibot ng huli ang kaniyang paningin, nakita niya si Craine sa 'di kalayuan. Bakas ang takot sa mukha ng lalaki. William let out a smirk. Mukhang takot na takot ang lalaki sa pag-aakalang sinabi na niya ang lahat kay Venice.

Venice's brows furrowed. Ang tagal magsalita ng lalaki tapos ngayon makikita niyang ngumisi lang ito. Sinundan niya ang tingin ni William at nagulat din siya sa nakita. Nandito si Craine at parang siyang pinagsukluban ng langit at lupa dahil sa reaksyon niya.

"Your boyfriend is here, Nice. I think I should go," ani William.

"What? 'Di ba may sasabihin ka pa sakin?"

"Gusto ko lang sabihin sa'yo na pupuntahan ka ni Craine ngayon," pagsisinungaling niya, "pero andito na naman siya kaya aalis na ako. Kayong dalawa nalang ang mag-usap."

Naglakad na paalis si William at si Venice nagtataka padin sa inakto ng lalaki.

Bago tuluyang makaalis si William ay tumigil muna ito sa tapat ng kabado pading si Craine at tinapik ang balikat nito. "Akala ko 'di ka na pupunta. 'Wag kang mag-alala. Wala akong nasabi sa kaniya. Ayusin mo na sarili mo at kausapin mo na siya."

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon