Chapter 7

34 2 0
                                    

"Tol, balita ko nakapasa ka daw sa audition at ikaw na ngayon ang pianista ng Wellton Band?" tanong ng kakaahon palang sa pool na si Phillip.

Sabado naman kasi at napagdesisyunan nito na dalawin muna ang pinsan niya sa kanilang bahay. Naka-apartment kasi ito at malayo sa bahay talaga nila na sa Bulacan pa kaya nakapagdesisyon siya na sa bahay nalang muna nila Ken umuwi.

Eto siya ngayon at palangoy-langoy sa pool samantalang ang kaniyang pinsan na siyang may-ari mismo ng bahay nakaupo lang sa upuan malapit sa pool.

"Oo. Nag-audition ako no'ng Huwebes. Pinilit kasi ako ni Tanaya eh."

Pagkarinig palang ni Phillip ng pangalan ni Tanaya ngumisi na ito agad ng nakakaloko na parang tinutukso ang pinsan .

Umiling lamang si Ken. Hindi ito makapaniwala sa kalokohang iniisip ng kaniyang pinsan. "Tumigil ka, Phillip. Magkaibigan lang kami ni Tanaya."

"Wala naman akong sinabi hah? Tsaka hindi naman yon yong iniisip ko. Ikaw, Ken, hah. Pero di nga, may gusto ka nga talaga kay Tanaya?"

"Tigilan mo ako, Phillip."

"Grabe. Oo nga't sa Masbate ka lumaki pero taon-taon naman bumibisita kayo samin hah? 'Wag mong sabihin na hindi tayo close para hindi mo ako pagkatiwalaan," nagtatampo na wika ni Phillip.

"Eh hindi nga kasi talaga. Alam mo, ang babaw mo. Bakit ba lahat kayo ang mindset eh pagnakita niyong magkasama ang babae at lalaki may malisya na agad?"

"Eh imposible naman kasing wala kayong spark na maramdaman lalo na't palagi kayong magkasama. Pansin ko close na kayo eh."

"May mga kaibigan nadin naman ako sa classmates ko no. Napapadalas lang kasama ko si Tanaya kasi kabanda ko na siya. Tsaka anong spark? Walang ganon. May nagugustuhan ata yon sa ibang school eh."

"Siya may nagugustuhan pero ikaw...?"

Sinadya talaga ni Phillip putulin ang salita niya para madugtungan ni Ken.

"Wala akong gusto."

Napatawa naman si Phillip na waring hindi makapaniwala sa sinabi ng pinsan. "Wag mo akong pinagloloko, Ken."

"Wala nga kasi talaga."

"O siya, wala na talaga. Pero may tanong pa ako sayo."

Nahihimigan ni Ken na seryoso na ngayon ang pinsan kaya naupo na ito ng tuwid at nakinig ng mabuti sa itatanong ni Phillip.

"Kung may magugustuhan ka sa Devils, sino yon?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Ken. "Devils? Devils' Empire? Ako ba niloloko mo, Phillip? Pagkatapos ng ginawa nila sakin?"

"Hinaan mo boses mo. Baka marinig ka nila Tito at Tita."

Hindi kasi nilang dalawa pinaalam sa mga mgulang ni Ken ang nangyari. No'ng naospital ito sinabi lang nila na sa apartment muna ito ni Phillip natulog. Ayaw kasi ni Ken mag-alala pa mga magulang niya. Si Phillip naman hindi din sinabi kasi once malaman ng mga magulang nito ang nangyari, tiyak ita-transfer kaagad si Ken. Eh gusto ni Phillip schoolmate lang sila ni Ken.

"Eh kasi ano naman yang tanong mo? Sa tingin mo ba pagkatapos ng ginawa nila sakin, may magugustuhan pa ako don?"

"Kalimutan mo muna kasing may atraso sila sayo. Yong pagbasihan mo nalang muna ay ang mga physical features at ugali nila. Sino magugustuhan mo sa tingin mo?"

Napaisip naman saglit si Ken sa tinanong ng pinsan. Kung sakaling may magustuhan nga siya sa Devils, sino naman kaya?

"Yong Chairman ng Student Council," sagot nito.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon