Chapter 13

28 2 0
                                    

That night was amazing. Until now, everything felt surreal for Xandrea. Hindi siya makapaniwalang isinayaw siya ni Trex at higit sa lahat, hindi siya makapaniwalang sinabi nito na gusto niyang ligawan si Xandrea.

Sa gabing yon, isang tao lang ang sumayaw kay Xandrea, si Trex. Hindi siya isinayaw ni William, ni Brandon o kahit ni Craine. Pagkatapos ata siyang maisayaw ni Trex ay natakot na ang iba na isayaw pa siya.

Pagkatapos non ay nanatili lang siyang nakaupo sa kanilang pwesto, nababahala dahil sa mga huling salita ni Trex.

Hindi na siya nagtagal sa party kaya ang pinangakong picture ni Xand sa kaniyang Tito Bert na picture kasama si Craine ay hindi na niya nagawa. She can't think clear because of Trex's words. Araw-araw daw siya nitong liligawan at pinapatunayan nga niya ito kahit ngayon.

It is Sunday night. Bukas ay may klase na ulit sila at heto si Trex, tinitext siya. Hindi niya alam kung saan nakuha ng lalaki ang number niya.

From Trex:
Xand, knock knock.

Kanina pa to nang-iistorbo. Hindi niya nirereplyan pero ngayon hindi na mapigilan ni Xandrea ang pagkairita kaya nagreply nalang ito.

To Trex:
tumigil ka na nga, trex!

From Trex:
:( Kahit isa lang. Geh na. Knock knock.

To Trex:
ano?

From Trex:
Ano'ng ano? Dapat 'who's there?'

To Trex:
ang daming style. sige. who's there?

From Trex:
Gwapo.

To Trex:
hindi ka gwapo!

From Trex:
naman eh. dapat kasi 'gwapo who?'

To Trex:
geh. gwapo who?

From Trex:
Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumali. At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil. Para lang sayo, ang awit ng aking puso. Sana'y madama mo rin ang lihim kong... pagtingin.

To Trex:
scam!!! wala namang gwapo don.

From Trex:
Meron. Yong nagtext ng kanta. Ang gwapo non!

Alam ni Xandrea na ganito ang kahahantungan ng joke ng lalaki pero napangiti padin ito kay Trex.

To Trex:
try harder, trex.

Text niya kahit napangiti naman ito sa walang sense na joke ng lalaki.

From Trex:
:(

From Trex:
Sige. Last na talaga to. Knock knock.

To Trex:
tumigil ka na. sabi mo isa lang eh.

From Trex:
Last na to, promise.
Pleaseeee.

To Trex:
last nalang talaga to. pag ikaw hindi tumigil...

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon