Magkasabay na naglalakad ngayon si Xandrea at Craine sa hallway ng Wellton papuntang classroom nila. Si Craine kasi muna ang nagdrive dito dahil may ibang inuutos ang Daddy ni Xandrea sa Papa niya.
Ngayon lang ulit sila nagkasama ni Xand na silang dalawa lang kaya panay ang tanong ni Craine dito sa gusto niyang malaman simula pa nong Hwebes.
“Xand, tell me. He did it again to you?” Kanina niya pa ito tinatanong sa kotse pero nagsuot ng earphone si Xand para hindi siya marinig.
“Alam mo, nagiging chismoso ka na, Craine. Hindi ka naman ganiyan dati eh," inis na wika ng kaibigan sa kaniya.
“Nag-aalala lang kasi ako.”
“You don’t have to. Kaya ko na ang sarili ko.”
“We both know that you can’t.”
Sa narinig ni Xandrea mula sa kaibigan ay nadagdagan pa ang inis nito. Napabulyaw nalang siya, “Fine! Oo na! Pinagalitan uli ako ng magaling kong Tatay dahil nakita niyang may mga pasa ako at sugat sa leeg. Masaya ka na?”
“Nag-aalala lang ako sayo, Xand.”
Hindi na pinakinggan ni Xand ang sagot ng kaibigan sa halip ay naglakad na ito ng mabilis at iniwan si Craine sa hallway.
Hinayaan nalang ni Craine na umalis ito.
Sa lahat ng kaibigan ni Xandrea, ito lamang ang nakakaalam na palaging pinapagalitan si Xand ng kaniyang ama. He wants his daughter to be perfect at pagmakita niyang may mali dito, nagagalit agad ito.
Ni si Venice hindi alam ang tungkol dito. Wala din sanang balak sabihin ito ni Xand sa kaniya pero isang araw naabutan niya nalang sa bahay nila Xand na pinapagalitan ito ng kaniyang ama, hanggang napapansin niya na nagiging palagi na ito at mukhang hindi na normal.
“Hi, Kuya Ibon.”
Nabigla naman si Craine sa pagsulpot ng isang estudyante sa gilid niya. Hindi niya ito pinansin dahil hindi niya naman ito kilala. Baka may ibang tinatawag.
Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad.
“Kuya Ibon!” tawag uli ng babae, “O baka ayaw mong tawagin no’n. Gusto mo ba ‘Kuyang gamit sa construction’ nalang ang itawag ko sa’yo?”
Ngayon kumulo na ang dugo ni Craine sa babaeng tumawag sa kaniya. Alam niyang siya ang tinatawag nito dahil sa pangalan niyang ni-translate ng babae.
Alam niya naman kasing kukunin mo lang ang 'i' sa pangalan niya, magiging isang uri ng ibon at machine na gamit sa construction ang kahulugan non at ayaw na ayaw niyang tinutukso siya dahil don.
Hinarap ni Craine ang babae at pagalit na tiningnan ito.
“Hala, Kuya. Ba’t parang galit ka ata? Ayaw mo don sa ‘Kuyang gamit sa construction’? Gusto mo ba Kuyang Ibon nalang?”
Nilapitan ito ni Craine at kinausap, “Sino ka ba? Hindi kita kilala kaya ‘wag mo kong kausapin.” Halata parin ang galit sa boses ni Craine.
“Hindi mo ko kilala? Magtatampo na ako niyan.” Parang elementary magsalita ang babae dahil sa pagkapabebe niya. “Sabi mo pa nga sa’kin, ‘Hoy, babae. Umalis ka na!’ Hindi mo talaga ako matandaan?”
At ngayon naging pamilyar na ang babae kay Craine. “Ah. Ikaw yong…”
“Yong?” sabik na sabik na wika ng babae.
“Yong…..”
“Yong ano?”
“Yong….” Sinasadya talaga ni Craine na gawin ito. Samantalang ang babae naman eh sabik na sabik nang maalala ni Crane ang pangalan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/225459007-288-k181981.jpg)
BINABASA MO ANG
High School
Teen FictionGENRE: Teen Fiction, Gangster LANGUAGE: Filipino & English STATUS: Completed DATE STARTED: May 16, 2020 DATE FINISHED: August 11, 2020