Prologue

434 7 0
                                    

a/n: hello! i appreciate po how i often receive a notification that you guys are adding this story to your reading list. will appreciate it more if you can give me an honest feedback po about this story for me to improve it. you can comment your feedback. maraming salamat! :)

••••••••

"Andiyan na sila! Andiyan na ang Devils!"

Lahat napatingin sa gawi ng estudyanteng sumigaw. Ilang sandali pa, dumapo ang kanilang mga tingin sa gate kung saan ngayon naglalakad ang anim. Bakas ang takot at pagpa-panic sa mga mukha ng estudyante.

Agad silang tumabi sa hallway upang ipakita ang takot at respeto sa limang First Class na sina Venice, Craine, William, Maika, Nikki, at ang kanilang leader na si Xandrea o mas kilala sa tawag na Empress.

Sumisigaw ng kapangyarihan ang aura ng anim habang naglalakad sa hallway– si William na panay ang kindat at pa-cool lalo na sa mga magagandang dinadaanan, sa tabi naman niya si Maika na supladang nakangisi at taas-noo pa, si Venice na may friendly at matatamis na mga ngiti, si Craine na tila walang pakialam sa mundo, at ang sa pinakaharap na si Xandrea na animo'y may susugurin talaga base sa mukha niyang palaging galit. Kahit pa andiyan si Nikki sa pinakalikod at nagmumukhang outcast dahil sa nerd na ayos ay nadadala narin ng aura ng lima.

Rinig ang bulung-bulungan ng mga estudyante nang 'di sa kalayuay nakita nila ang isa pang grupo ng mga estudyante na paparating at makakasalubong nila Xandrea- ang grupo nila Trex. Ang grupo nila ay binubuo ni Sean na bahid ang pagkabigla sa mukha nang makita sila Xandrea, ang pusong babae na si Dwight na may iritadong mukha ngayon, si Samantha na kapit-tuko sa kaniyang boyfriend na si Trex at si Trex mismo na may mapaglarong ngiti. Ang grupong ito ang mortal na kaaway nila Xandrea.

Ang ibang mga estudyante ay umalis na upang hindi madamay sa away ng dalawang grupo ngunit ang iba ay nanatili parin upang masaksihan ang susunod na mga mangyayari.

Nang mapansin ni Xandrea ang grupong papalapit sa kanila, napangisi nalang ito na animo'y nangmamaliit.

"Hey, Empress. I'm still impressed with your beauty until now," bungad agad ni Trex sa kaniya habang malisyosong tiningnan si Xandrea mula ulo hanggang paa.

Agad namang kumunot ang mukha ni Samantha at mas hinigpitan pa ang kapit kay Trex na animo'y naiinis sa sinabi ng boyfriend.

"Same old style, Gomez. Wala ka na ba talagang maisip na ibang paraan para matalo ako kaya ngayon pagti-tripan mo ako gamit parin 'yan? Too bad. Walang epekto sa 'kin."

Biglang nagsalita si Samantha, "Duh. Asa ka naman girl na magugustuhan ka talaga ni Trex. Ano bang panama mo kompara sa 'kin?"

Pinigilan naman ni Trex si Samantha at lumapit kay Xandrea upang bumulong. "Makapagsalita ka naman parang hindi mo ako nagustuhan noon Xandy hah?"

Bakas ang inis sa mukha ni Xandrea pero ilang sandali lamang nang makabawi ito. Tinignan niya si Craine at sinenyasan. Nakuha naman agad ito ni Craine at tinulak si Trex palayo kay Xandrea.

Agad namang napapisik ang dalawang panig na animo'y handa ng sumugod sa isa't-isa dahil sa nangyari.

"Whoa. Relax, Tol. Kinakausap ko lang leader niyo, " sambit ni Trex, "Tss. Ganon ka pa rin talaga, Xandy. Mayabang ka pa din."

"Talaga? Ikaw din eh. Gano'n ka pa rin. Talunan"

Susugod na sana ang grupo ni Trex kila Xandrea pero itinaas ni Trex ang kanang kamay niya simbolo ng pagpapatigil sa kanila.

"Hayaan na muna natin ngayon ang Empress. First day of school pa lang naman. Hayaan muna nating ma-enjoy niya ang pwesto niya bilang Empress. Malapit nadin naman ang pagbagsak niya e."

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon