Chapter 19

28 2 0
                                    

"To seek revenge after what you've done last Monday?"

Nakita ni Ken ang biglang pagbago ng ekspresyon ng mga mukha ng limang tao na andito ngayon sa living room. Bago paman siya masapak ng nagpupuyos na ngayon na si Trex ay nagsalita na siya, "Kidding. I'm here for Tanaya. I mean, Tanaya and I will work on our report kaya po nandito ako."

Napansin niya namang nakahinga nang maluwag si Tanaya dahil sa isinagot niya. Tense na tense 'to kanina eh.

"Who do you think you are throwing that stunt to us? Are we some kind of a joke to you?" Halata pa din ang inis sa boses ni Trex.

"Kuya, just let it go." Hinawakan na ni Tanaya ang braso ni Ken.

"Nang-aasar tong batang to eh," sagot ni Trex.

Bago pa makatayo si Trex at mabugbog ulit si Ken, nagpakumbaba nalang ito. "Sorry po."

"Marunong ka din palang magsorry."

"Tama na, Kuya. May atraso ka pa kaya sa kaniya. Sinira mo phone niya."

Nagpakawala nang mapanuyang tawa si Trex. "Pumunta ka din pala dito para sa cellphone mo? Magkano ba 'yon? Babayaran ko."

Ken shook his head. "'Wag na po. I'm not here for that. I'm here for our report."

"Tama na, Kuya. Akyat na kami."

Hinila na ni Tanaya si Ken papuntang hagdan pero ilang hakbang palang ang nagagawa nila nang umangal si Trex. "Tanaya, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Binalingan naman siya ni Tanaya na nagtataka. Ang tatlong kaibigan ng Kuya niya pangiti-ngiti lang habang pinapanuod ang mga nangyayari.

"Bakit?"

"Dadalhin mo talaga 'yan sa kwarto mo?"

Tanaya rolled her eyeballs. "Kukunin lang namin ang libro sa kwarto ko tapos don kami sa labas gagawa ng report. Tumigil ka diyan, Kuya."

Si Sean na ang nagsalita, "Ba't mo pa dadalhin sa kwarto mo, Tans? Ang pangit naman no'n. Pwede naman siyang maupo na lang muna dito sa sofa kasama namin habang hinihintay ka."

Naisip naman 'yon ni Tanaya kanina pa pero nag-aalala siya baka ano pa'ng gawin ng Kuya niya kay Ken habang wala siya. "Baka pagbalik ko dito puno na ng pasa si Ken."

"Edi lumayas siya dito kung gano'n. Ba't ko naman hahayaang sumunod siya sa kwarto mo?"

Naiinis na ngayon si Tanaya. Ba't ang big deal naman ata nito para sa kanila? Palibhasa kung anu-ano ang mga pinag-iisip eh.

"Okay lang, Tan." Nagsalita na si Ken.

"Ano? Sigurado ka?"

Tumango si Ken. "Mabilis ka lang naman siguro di ba?"

Tumango na din pabalik si Tanaya. "Sige."

Iniwan na niya ang kaibigan kasama ang apat sa sofa. Nagsimula na itong umakyat papuntang kwarto niya.

"Boyfriend ka ni Tanaya?" tanong ni Sean nang makitang nakaakyat na si Tanaya.

"Hindi po. Classmate ko siya tsaka kabanda."

"Wow. You are using po? Are you guys sure he's the guy who dared to fight back several times against the Devils? He's so innocent-looking." Si Samantha na ngayon ang nagpaulan ng tanong.

Kanina pa din nagtataka si Ken bakit nandito ngayon ang babae eh break naman daw sila ni Trex.

Pero sa bagay, hindi naman sila magkatabi ngayon ng Kuya ni Tanaya. Si Sean ang katabi nito.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon