Chapter 10

46 2 0
                                    


Lulan ngayon si Xandrea ng kanilang sasakyan papuntang Wellton University.  Tahimik lamang na nagda-drive ang kaniyang driver na si Bert na Papa din ni Craine. 7 am palang at malapit na siya sa kanilang eskwelahan. Napagpasyahan niyang maging maaga kahit 7:30 pa naman ang kanilang klase.

“Ingat po kayo, Ma’am,” nakangiting wika ni Bert nang lumabas na siya ng sasakyan.

Bago isara ni Xandrea ang pinto ng sasakyan ay bumaling muna ito kay Bert at ngumiti na din bilang tugon.

Ang akala ni Xandrea’y magiging normal lamang ang araw na ito sa kaniya subalit pagpasok na pagpasok palang niya sa eskwelahan, napapansin niyang pinagtitinginan agad siya ng mga estudyante. Kapag titingnan naman sila ni Xandrea pabalik ay mabilis silang nag-iiwas ng tingin o di kaya’y tinitigil agad ang kanilang bulungan.

What the hell? Kung kailan pa siya good mood don pa nagiging ganito ang mga estudyante. Ayaw na ayaw niyang nakikita na pinag-uusapan siya ng ibang tao na hindi naman niya alam kung tungkol sa ano ang mga pinagsasabi nila sa kaniya.

Bago paman bumalik ang suplada niyang sarili sa katauhan ni Empress, kinausap na agad siya ni Venice na kararating lang kasama si Maika. “Xand!”

“Venice, kilalanin niyo nga lahat ng estudyanteng nandito ngayon at ipaalala mo din sakin na kailangan kong tusukin ang mga mata at gupitin ang mga dila nila mamaya.” Kahit pa masyadong imposible ay nagawa ni Xandrea na sabihin yon dahil sa inis sa mga estudyante.

“Empress, they are being like that because of something,” ani Maika.

Nervousness attacked Xandrea. Pa’no nalang kung totoo nga ang iniisip niya kahapon na may ginawang masama yong lalaking naghatid sa kaniya tapos vinideohan at in-upload pa niya sa social media?

“Oops. I know what you’re thinking, Xand,” wika ni Venice, “but that’s not it. This one’s a good news. Well I’m not sure if it’s a good news to you though.”

“Spill it, Venice," malamig na wika ni Xandrea.

“Trex and Samantha are now break!” masayang-masaya na balita ni Venice, “And usap-usapan na hiniwalayan ni Trex si Samantha kasi nga ikaw naman daw talaga ang gusto ni Trex.”

“Oh my gosh. Buti nga don sa Samanthang yon.” -Maika.

Natigilan bigla si Xandrea dahil sa narinig. Trex and Samantha broke up and that’s because of her?

She doesn’t know what to say to Venice and Maika but one thing’s for sure, she’s happy because of the news. Marinig na hiwalay na si Trex at Samantha at siya naman daw talaga ang gusto ni Trex ay musika sa pandinig niya.

Pero hindi nagtagal ay naalala niya ang mga sinabi ng kaibigan na si Crane, kailangan niya munang maging rasyonal ngayon at paganahin ang utak.

“That’s it? Akala ko ba good news ang ibabalita niyo sakin?” tanong ni Xandrea at nilampasan na ang dalawang kaibigan.

Hindi naman makapaniwala ang dalawa sa naging reaksyon ng kanilang Empress. Akala nila magiging masaya ito sa balita.

“What?! Xand, you’re really not happy with the news?” -Venice.

“Why would I, Venice? Matutuwa lang ako kung mapabagsak na talaga natin yang Black Society na yan– mapabagsak na hindi na nila kayang tumayo pa at kontrahin ulit tayo.” Pagkatapos ay iniwan na nang tuluyan ni Xandrea sina Venice at Maika.

Nagkatinginan naman ang dalawang naiwan na parang bigo dahil sa naging reaksyon ni Xandrea.

Xandrea, on the other hand, cannot contain her emotions. Gusto nalang niyang sapakin ang kaniyang sarili dahil parang ngingiti na talaga ito dahil sa narinig. Sinasabi ng utak niya na para siyang baliw na elementary na kinikilig sa crush at pangit yon sa image niya bilang Empress pero ang puso naman niya nagsasabing ‘wag pansinin ang utak at magdiwang nalang dahil sa nabalitaan.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon