Chapter 15

24 2 0
                                    

Hindi na alam ni Xandrea kung gaano na sila katagal nagtititigan ni Trex habang pinapaibabawan niya ang binata. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Ang tanging nasa utak niya lang ngayon ay ang tanong na ano kaya ang pakiramdam mahalikan ng isang Trex Gomez.

Unti-unti nang inilalapit ni Trex ang kaniyang mukha kay Xandrea.

Mga dalawang pulgada nalang ang layo ng mukha nila sa isa't -isa nang biglang sumigaw ang staff na, "Get up! You need to get up, Ma'am and Sir!"

Bigla namang bumalik ang dalawa sa reyalidad matapos marinig ang sigaw ng staff na nagsisilbing referee.

Agad tumayo si Xandrea. Si Trex naman napaupo at pinandilatan ang staff. "Hindi na talaga ako babalik dito! Napaka-wrong timing mo."

Napangiti si Xandrea dahil sa narinig at nagsalita, "Tumayo ka na diyan, Trex!"

"Naman eh." Kahit naiinis ay tumayo padin si Trex.

Hindi pa siya lubusang nakakatayo nang agad siyang sinipa ni Xandrea. Dahil dito ay tumilapon siya sa labas ng mat.

"I won," mapanuyang wika ng dalaga.

Nanlaki naman ang mata ni Trex nang maisip kung ano ang ginawa ni Xandrea. "Hindi pa nga ako ready! Xand naman."

"Sorry Trex but it's 2-1 now. I won."

Naglalakad na ngayon ang dalawa palabas ng indoor adventure place. Nakabihis na ulit sila ng kanilang uniform. Nauna nang naglalakad si Xandrea samantalang nakasunod lamang sa kaniya ang nanlulumo paring si Trex.

"You're really that sad huh?" tanong ni Xandrea kay Trex kahit pa hindi niya ito hinaharap.

"Oo naman. Chance ko na sana makasama ka sa dinner."

"Well, you need to walk faster Trex because I'm already hungry. Sa'n tayo?"

"Sige na. Gutom ka na kaya iuu....... Wait, what?!" Agad namang humabol si Trex kay Xandrea. "Ano ulit sabi mo?"

"Huh? Tinatamad na ako ulitin. Sige. Iuwi mo nalang ako," panunukso ni Xandrea.

"So tama nga ang narinig ko? Nagtanong ka kung saan tayo? Ibig bang sabihin niyan sasama ka sa'kin magdinner?"

Hinarap naman ito ni Xand. "Ano ba sa tingin mo?"

Trex's mouth gaped open. Hindi siya makapaniwala sa sinagot ng babae. Nang lubusang maisip ang sinabi ni Xandrea ay nagmadali na ito para sabayan siya.

Nandito na ngayon ang dalawa sa isang classy na restaurant. Nagsimula na silang kumain pero si Trex hindi pa rin talaga makapaniwala na kasama niya ngayon si Xandrea mag-dinner.

"Ako na ang magbabayad nito," wika ni Xandrea.

"Ayoko nga! Ako ang umaya sa'yo dito. Sa akin na to, Xand."

Tiningnan naman siya ni Xandrea at nagsalita, "Ikaw na nga nagbayad no'ng kanina. Ako naman dito."

"Xand, ako ang nanliligaw sa'yo kaya sa akin na to."

"How about, kaniya-kaniya nalang tayo dito ngayon?"

Sasagot pa sana si Trex nang magsalita ulit siya, "That's final, Trex. Kaniya-kaniyang bayad to. 'Pag hindi mo ako hahayaang magbayad mamaya, aalis na ako ngayon."

"Sige sige na. Oo na. 'Wag ka lang umalis. Naman eh. May pambayad naman ako."

"Alam ko naman yon. Hindi lang ako sanay na pinapabayad ko ang ibang tao sa mga bagay na ako naman ang nakakabenepisyo."

Nanahimik nalang si Trex dahil sa sinabi ng dalaga. Ilang minuto din ang katahimikan sa pagitan ng dalawa nang napagdesisyonan ni Trex na kausapin na ulit si Xand. "Kamusta ka na, Xandy?"

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon