Wednesday came; and Xandrea, still flying on cloud nine because of what happened yesterday, went early for school.
Dumating siya ng eskwelahan na inaakalang magiging normal lang ulit ang takbo ng araw na ito pero naglaho ang inaakala niya nang makita niya si Venice na pumasok ng classroom ilang minuto lang bago magsimula ang first period.
Xandrea's eyes widened at first. Hindi siya makapaniwalang pumasok na si Venice ngayon ng classroom.
Agad binalingan ni Xandrea si Craine at nakitang pagkabigla din ang naging reaksyon ng lalaki habang nakatingin kay Venice.
"Nice, okay ka na?" tanong ni Xandrea nang madaanan ni Venice ang pwesto niya.
Napatigil ang babae pero hindi din naman ito nagtagal at ipinagpatuloy na niya ang paglalakad na hindi pinansin ang tanong ni Xandrea.
Dumagdag pa ang pagkabigla ni Xandrea at Craine nang nilagpasan din ng babae ang upuan niyang sa tabi lang ni Craine. Dumiretso ito sa likod at naupo sa isang bakanteng upuan sa last row.
Nagkatinginan sina Xandrea at Craine, parehong nag-aalala sa inasta ni Venice. Sa ginawa kasi nito, isa lang ang ibig sabihin, galit padin siya sa dalawa.
Natapos ang morning classes nila na ni isang salita mula kay Venice, wala silang natanggap.
Nang mag-lunch break ay nilapitan uli siya nina Xandrea at Craine para yayaing kumain sa cafeteria pero hindi padin sila pinansin ng babae.
Ngayon ay nasa cafeteria na silang dalawa, kasama sina Sean at Maika.
"Dati-dati, ang saya pa natin na magkasama tayong pito kapag lunch pero ngayon, ang dull na ng atmosphere," Maika complained.
"Wala ba talagang preno 'yang bibig mo, Maika? Kung gusto mong madami ang kasama mo mag-lunch, lipat ka nalang ng ibang grupo," William's irritated answer to Maika.
Nagkatinginan naman ulit sina Xandrea at Craine. Para kasing, hindi pa alam ng dalawa nilang kaibigan na pumasok na si Venice.
Xandrea sighed. Kailangan nilang malaman na nandito na nga si Venice sa Wellton at ayaw lang talaga nitong sumabay sa kanila sa pagkain.
"Venice is here."
Agad napabaling sina Maika at William kay Xandrea na parehong nanlalaki ang mga mata. Mukhang hindi din sila makapaniwala.
"Tama ba narinig ko? Andito na si Venice?"
"Yes, Maiks."
"Eh asan siya?"
"Ayaw niyang sumabay satin sa pagkain. Hindi niya din kami kinakausap ni Craine."
"Teka lang, ayaw niya padin tayo kausapin?" tanong ni William. "Bakit daw ba? Ano ba'ng kasalanan natin?"
Matapos ang tanong ni William ay nahuli ni Maika ang makahulugang tinginan nina Xandrea at Craine.
"I see," William continued. "Dahil ba sa pag-iwan mo sa kaniya Craine nong laban natin para iligtas si Empress?"
Imbis si Craine ang sumagot ay nauna na sa pagsalita si Maika. "Hindi naman siguro, William. Let's not make conclusions if we're not yet sure of things. Hayaan na muna natin ngayon si Venice."
Dahil sa sinabi ni Maika ay napatahimik na ang lahat. Hindi na ulit nila pinag-usapan si Venice.
Nang matapos sila sa pagkain ay nauna nang umalis ng cafeteria sina William at Maika kaya naiwan sina Xandrea at Craine dito, namomroblema padin tungkol sa pakikitungo sa kanila ni Venice.
"Sinabi ko sa sarili kong kapag nakita ko na ulit si Venice, kakausapin ko na siya at tatapusin na ang relasyon namin, pero sa nakita ko sa kaniya kanina, parang bigla akong nakonsensya. Halata kasing hindi padin siya nasa maayos na kalagayan."
BINABASA MO ANG
High School
Fiksi RemajaGENRE: Teen Fiction, Gangster LANGUAGE: Filipino & English STATUS: Completed DATE STARTED: May 16, 2020 DATE FINISHED: August 11, 2020