Bored na nakaupo si Xandrea sa kaniyang silya samantalang ang mga classmates niya naman ay nag-iingay habang wala pa ang teacher. Nagtataka nga din siya dahil mag-aalas otso na pero wala padin ang teacher nila sa 1st subject na kanina pa sanang 7:30 am nagsimula.
"Good morning, ABM 11-A."
Nagpanic ang mga estudyante at kaniya-kaniyang balik sa kanilang upuan nang makitang pumasok na ang teacher. Subalit hindi nawala ang bulong-bulongan nang mapansin nilang hindi ito ang kanilang subject teacher. Imbis na si Miss Mendoza ang makita nila ngayon, si Mr. Lee ang nandidito.
Hindi na din napigilan ni Xandrea ang pagkunot ng noo.
"You're probably wondering why I am here instead of Miss Mendoza. Well... You will not have your class with her this morning as well as your 2nd period later. I have here test questionnares for you to answer. All Wellton students will take this test now but the questions will differ in every year level. This is composed of 180 questions and six subjects namely English, Filipino, Mathematics, Earth and Life Science, Social Science, and Logic. 30 questions for each subject and you will have 1 and a half hour to answer this. That means if we'll start at 8, all papers should be passed at 9:30 AM. Any questions?"
Nagtaas ng kamay ang isang classmate ni Xandrea. Their teacher acknowledged her so the whole ABM 11-A put their attention to what the girl is going to say.
"Is this a graded one, Sir? I mean, will it affect our grades?"
May punto nga ang tanong nito.
"No. This is not a graded one."
"So what is the purpose of this, Sir?" tanong niya ulit.
"To measure your intelligence. Please do your best with this test for if you'll ace this one, a very good thing is waiting for you. I'm not gonna tell what it is now but it is worth doing your best."
Lalo pang nagtaka ang mga estudyante.
Ano ang ibig sabihin ng teacher nila?
Iwinaksi nalang muna 'yon ni Xandrea sa utak niya at nagsimula nang sumagot nang maipasa na sa kaniya ang test paper.
Ganon nadin ang ginawa ng ibang mga estudyante maging nina Venice at Craine.
+
"Sinabi din ba sa inyo, Maiks, kung para saan 'yong test kanina?"
Andito na ulit ang Devils sa cafeteria, kumakain ng kanilang pananghalian. Nagtanong agad si Venice kila Maika at William kung nag-test din ba sila kaninang umaga at oo naman ang isinagot ng dalawa. Ngayon ay nagpapaulan pa si Venice ng mga karagdagang tanong sa dalawa.
"Hindi eh. Sabi lang ni Miss kanina we should do our best on it kahit hindi 'yon graded. Sa inyo ba?"
"'Yan din ang sinabi ni Sir Lee sa 'min."
"Para saan kayo 'yon? Hindi naman 'to ginagawa dati ng school 'di ba?" tanong ni William.
"Oo nga," sagot ni Maika, "at sabi pa ni Miss kanina lahat daw ng Wellton students binigyan ng test kaso iba-iba lang ang questions per year level."
"Ang hirap naman no'ng satin," dagdag ni William. "Okay ako sa Math, pero sa SocSci nganga ako."
"Opposite tayo. I know I did well sa SocSci but I'm sure I failed Mathematics. Kayo, Nice?" -Maika.
"Ang hirap," sagot ni Venice.
Si Craine naman ngayon ang binalingan ni Maika.
"Same with William. Okay ako sa Math pero sa SocSci mukhang hindi."
BINABASA MO ANG
High School
Novela JuvenilGENRE: Teen Fiction, Gangster LANGUAGE: Filipino & English STATUS: Completed DATE STARTED: May 16, 2020 DATE FINISHED: August 11, 2020