"Guys, okay na kayo? Or mauna nalang muna ako sa field? Kailangan kasing tumulong ng SC sa program," wika ni Venice.
Andito pa kasi silang pito sa cafeteria, naaliw sa pag-uusap. Mabuti nalang at napatingin si Venice sa wristwatch niya at nakitang malapit nang mag-5.
"No! Sama na kami sa'yo, Sis. Wala naman na kayong bibilhin, 'di ba?" tanong ni Maika sa iba.
Kaniya-kaniyang iling ang ginawa ng lima kaya sabay-sabay nadin silang pumunta ng field.
"Whoa. Mukhang ready na sa party, hah?" wika ni William nang makitang may mga disco lights sa paligid tas walang upuan na nakalagay. Ibig sabihin, tatayo lang sila the whole awarding.
"Yeah, sinadya nilang 'wag nang maglagay ng upuan. Magiging short lang naman kasi ang awarding," Venice said as if she had read William's mind. "Sige, guys. Punta na kong stage. Kailangan na ko don."
Nagpaalam nadin naman ang lima kay Venice kaya tuluyan na itong naglakad papuntang stage para tumulong sa program.
"WHAT'S UP WELLTON U?!" malakas na sigaw ng MC kaya sinuklian din siya ng malakas na hiyawan ng mga estudyante. "Let's keep that fire burning by starting this awarding!"
Nagsimula na nga awarding at isa-isa nang nagsiakyat ang mga winners kada game.
Sa magbabarkada ay nauna nang umakyat sina Maika at Venice na champion sa badminton. Sunod si Xandrea na champion sa Chess. Umakyat din ang 1st runner up sa Soccer na team nina Craine, at 2nd runner up sa basketball na team nina William. Huling umakyat sina Trex at William para kunin ang trophy bilang champion ng basketball.
"And now... the overall winner for this school year's Intramural Meet is..."
Halata sa mukha ng mga Grade 11 at Grade 12 ang kabang nararamdaman ngayon. Natawag na kasi ang ibang Grade levels bilang runner up which means, the champion would either be Grade 11 or Grade 12.
"The overall champion is.....
Grade 12! That means, our 1st runner up is Grade 11. Congratulations for both Grade levels!"
Nang marinig ang resulta ng Intramurals ay naghiyawan agad ang mga Grade 12. Nagtatalunan sila at nagpapalakpakan salungat sa naging reaksyon ng Grade 11.
"Talo tayo," nakabusangot na wika ni Maika.
"Cheer up, guys," wika ni Trex na katabi lang nila. "May next year pa. Sure ako na kayo na ang magiging champion next year."
Dahil sa sinabi ni Trex ay napangiti nalang ang Devils. 'Di nagtagal ay tinawag na sila Trex at Sean ng mga kaklase nila para sa picture taking. Gano'n din ang ginawa ng Grade 11.
Nang matapos ang picture taking ay nagsalita na uli ang MC. "Now's that the awarding is finally over, it's time for us to start the party!"
Hiyawan ulit ang narinig sa buong field dahil sa sinabi ng MC. Mas nadagdagan pa ang hiyawan nang pinatay ang puting ilaw at pinalitan ng disco lights.
"Whoa!!! It's time to party!" sigaw ni Maika at mas lumapad pa ang ngiti niya nang makita si Venice na papalapit sa kanila.
"To officially start our party, here is our very own... Wellton Band!"
Xandrea frozed upon hearing the band name. Ang mga kaibigan niya'y napatingin din sa kaniya.
Wellton Band will perform which means, makikita na naman ulit nila ang pianista ng banda na si Ken!
Nang bumukas ang kurtina ng stage ay hindi nga sila nagkamali sa inakala. Andoon sa stage si Tanaya kasama ang mga kabanda niya kabilang si Ken. Nasa unahan pa naman silang pito kaya kitang-kita nila ang banda.

BINABASA MO ANG
High School
Teen FictionGENRE: Teen Fiction, Gangster LANGUAGE: Filipino & English STATUS: Completed DATE STARTED: May 16, 2020 DATE FINISHED: August 11, 2020