Chapter 41

28 2 3
                                    

Lunes na naman at pasukan na ulit sa Wellton U. Pagkatapos ng exam last week ay balik normal ulit ang sitwasyon ng mga guro at estudyante ng paaralan.

Ngayon sa klase ng Grade 10-A sa English ay magka-partner ulit sina Tanaya at Ken sa activity na pinagawa ng teacher nila, at kanina pa nagtatalo ang isip ni Ken kung dapat ba niyang kausapin si Tanaya tungkol sa Kuya nito o 'wag nalang.

Sa huli, nagdaig padin ang pag-aalala ni Ken sa Kuya ng kaibigan kaya nagtanong na ito. "Tan, nabalitaan ko 'yong nangyari sa Kuya mo. Okay na ba siya ngayon?"

Napatigil si Tanaya sa pagsusulat at hinarap si Ken. "Okay naman na daw siya. Mamaya na ang lalabas niya."

"Ah, buti naman. Nag-alala lang ako nong nabalitaan kong may nangyari palang masama sa Kuya mo."

Hindi pwedeng sabihin ni Ken na nalaman niya ito mula kay Xandrea. Hindi pa kasi alam ng kaibigan na merong namumuong pagkakaintindihan sa kanilang dalawa ng Empress.

No'ng nag-eskandalo kasi sina Xandrea at Trex sa cafeteria, nalaman lang ng mga estudyante na merong hindi pagkakaintindihan ang dalawa pero hindi nila alam kung sino ang naging ugat nito.

"Mahal na mahal nga siguro talaga ni Kuya si Ate Xandy."

Dahil sa sinabi ni Tanaya ay biglang natigilan si Ken.

"Alam mo bang ayaw ni Mommy kay Ate Xandy dahil sa mga nangyari noon sa pamilya namin?"

Hindi sumagot si Ken pero alam niya ang tungkol sa hidwaan ng pamilya nila Tanaya at Xand. Nakwento din kasi ito ni Xandrea sa kaniya dati.

"Ayaw ni Mommy kay Ate Xand pero nagpatuloy padin si Kuya. Hindi nga alam ni Mommy na nahospital si Kuya nang dahil kay Ate Xand, dahil sa oras na malaman ni Mommy, naku, galit na naman ang aabutin ni Kuya."

"Ganon ba talaga kamahal ng Kuya mo si Xandrea?" pasimpleng tanong ni Ken.

"Oo. Pero alam mo dati, akala ko talaga si Ate Samantha na ang makakatuluyan ni Kuya. Akala ko wala nang hihigit pa sa pagmamahal ni Kuya kay Ate Sam pero kita mo naman ngayon, sobra-sobra pa ang pinapakitang pagmamahal ni Kuya kay Ate Xand."

Natahimik si Ken sa sinabi ni Tanaya. Hindi niya alam kung bakit pero nakokonsensya ata siya matapos marinig ang kwento ng kaibigan.

Okay naman kasi sina Xandrea at Trex kung hindi siya nakigulo, 'di ba?

+

While their last period teacher is still discussing their lesson, Craine couldn't help but to repetitively tap his pen on his desk. Halatang nagmamadali na siyang matapos ang klase kasi may balak siyang gawin pagkatapos nito.

30 minutes pa bago matapos ang last period nila kaya walang nagawa si Craine kundi magmasid-masid nalang sa loob ng classroom. Wala siyang ganang makinig sa lecture ng teacher.

Ilang saglit pa'y napatingin si Craine sa bakanteng upuan sa tabi niya. Naalala niya tuloy ulit si Venice. Nagpumilit siyang lumabas ng hospital nong Sabado kaya wala silang nagawa. Hindi niya pinapansin ang tawag o text ni Craine. Ngayon naman, absent ito. 

"Class dismiss. Good bye, class."

Nagbunyi si Craine nang marinig ito mula sa teacher. Himala ata at maaga silang ni-dismiss nito.

"Good bye, Ma'am," the whole class answered in chorus.

Agad tumayo si Craine at isinukbit sa balikat ang kaniyang bag.

Nang makalabas ang teacher ay agad ding tumakbo si Craine para lumabas.

"Nagmamadali ka ata?"

Natigil siya nang marinig ang boses ni Xandrea mula sa likod kaya hinarap niya muna ito.

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon