“Nice game, Craine. Sigurado ako ikaw na ang kukunin ni Coach na susunod na Captain.”
Kakatapos lang magpractice ng soccer team at eto ngayon, pinapaulanan na naman ng papuri si Craine dahil sa galing niya.
“Hindi pa tayo sure, Cap,” sagot ni Craine sa kasalukuyang captain nila na isang Grade 12.
“Inspired na inspired sa shota eh. Ikaw ba naman maging boyfriend ng Chairman ng SC,” sabat ng team mate nila na Grade 12 din.
Tumawa nalang si Craine bilang sagot at nag-impake nadin ng mga gamit niya gaya ng mga ginagawa ng kasamahan niya. Gabi na sila ngayon nakatapos sa pagpapractice. May mga bago narin silang kasamahan dahil sa kakatapos lang na tryouts.
“Craine! Hinahanap ka ng isang Junior High dito!” tawag sa kaniya ng Captain nila.
“Sandali lang!” Hindi agad siya nakalingon kasi tinatapos niya pa ang pag-aayos ng mga gamit niya.
“Oy! Kakasabi ko lang na inspired ka dahil sa girlfriend mo na Chairman ng SC tapos ngayon ibang babae ang nandito para sunduin ka. Naku Craine hah? Isa-isa lang," kantyaw ng kasamahan niya.
Nagtaka naman ito kung sino ang babaing nandito ngayon at hinahanap siya.
Paglingon ni Craine, nabigla ulit siya sa nakita. “What the fudge?”
“Hi din po,” nakangising sagot ng babae sa kaniya.
“Una na kami, Pre! Wag kang mag-alala. Hindi ka namin isusumbong kay Venice.”
“Ulol,” sagot ni Craine.
Nagtawanan naman ang mga kasamahan niya sunod ay umalis na din. Sila nalang nitong babae na 'to ang natira dito sa gilid ng field.
“Ano na naman, bata?”
“Naman eh. May pangalan nga kasi ako. Kate diba? Kate Valerie.” Patadyak-tadyak pa si Kate sa lupa dahil sa inis.
“Oo na,” iritang sagot ni Craine, “Ano nga kasing kailangan mo sa’kin?”
“Kuya…”
Hindi pa tapos magsalita si Kate pero agad nagsalita si Craine, “Wag mo nga akong ma-Kuya Kuya. Hindi tayo close.”
Nabigla naman si Craine nang humakbang palapit si Kate sa kaniya. Hindi na ata abot 1 foot ang layo nila sa isa’t-isa dahil sa ginawa ni Kate.
“O eto, close na tayo.”
Natigilan si Craine pero agad din naman itong nakabawi. “Hindi ka nakakatawa. Umalis ka na kung wala ka din namang sasabihin.” Ngayon ay lumayo na si Craine kay Kate.
“Dapat nga kasi kitang tawagin na Kuya kasi nga mas matanda ka sakin. 14 palang ako tapos ikaw 18 na.”
“Wala akong pakialam. Umalis ka na.” Naglakad na si Craine palayo pero hinila siya ni Kate pabalik.
Agad namang napatigil si Craine at tiningnan ang kamay ng babae na nakahawak sa braso niya. Nang mapansin ito ni Kate ay agad din niyang binitawan ang lalaki.
Nagsalita na si Kate, “Kuya, gusto ko po talagang sumali sa inyo. Kahit 3rd class lang po okay na ako.”
“Alam mo, ang tigas talaga ng ulo mo. Narinig mo naman siguro yong sinabi sayo kanina ni Empress diba? Wag mong sabihing hindi mo yon naintindihan? Gusto mo ulitin ko sayo? Hindi na daw namin kailangan ng dagdag pabigat at…”
“Hep!” pinigilan siya ni Kate magsalita, “Narinig ko yon at naiintindan din pero gusto ko nga kasi talagang sumali. Ba’t ba hindi ako makapasa?”
![](https://img.wattpad.com/cover/225459007-288-k181981.jpg)
BINABASA MO ANG
High School
Teen FictionGENRE: Teen Fiction, Gangster LANGUAGE: Filipino & English STATUS: Completed DATE STARTED: May 16, 2020 DATE FINISHED: August 11, 2020