Chapter 1

190 3 0
                                    

“My gosh. Nakakairita ‘yong babae kanina. Feeling close sa’tin. Tatanga-tanga,” ani Maika.

Tinatahak na ngayon nila ang daan pabalik sa kani-kanilang mga classrooms. Magkaklase sina Xandrea, Craine at Venice- ABM 11-A; si Maika, HUMSS 11-B; si William at Nikki parehong STEM 11-A.

“Pero cute siya hah?” ani William.

“Eh lahat naman ata ng babae kung di maganda e cute para sa’yo.”

“Grabe ka, Maika. Choosy din naman ako noh?”

Maika just rolled her eyeballs. “Nga pala, ‘yong pinagawa ko sa’yo, Nikki. Tapos mo na ba?”

“Ah, oo.”

“Ano’ng pinagawa? 1st day of school may pinagawa ka na agad kay Nikki?” tanong ni William.

“Nakakainis ‘yong teacher namin sa Oral Com at Adviser din namin. Gumawa ba naman agad ng GC ng klase tapos nag-chat na we will introduce ourselves today pero dapat in a creative way. So yah, nagpagawa ako kay Nikki ng short video.”

“Eto na, Maika.” sabay abot ni Nikki ng flashdrive kay Maika.

“Pa’no, guys. See yah tomorrow.” paalam ni Maika at pumasok na sa kanilang classroom.

Kaniya-kaniya naring pasok sa mga classrooms nila ang lima. Mabilis ang oras para sa tatlong tigwa-1 hour na klase na puro lang naman introduce yourself ang ginawa.

Pagkatapos ng klase ng ABM 11-A, tinawag agad ni Venice ang nobyong si Craine, “Babe, forgot to tell you kanina that I’ve discovered a very good Korean restaurant malapit lang dito sa school. Wanna eat there?”

“Ako kasi muna ngayon driver ni Empress e. Nagtext si Papa kanina na ‘di niya muna masusundo si Empress kasi may kailangan daw siyang itulong kay Mama.”

“Ganon ba? Ede isama nalang natin si Xand. Xand, sama ka?”

“First day of school Venice at ikaw ang Chairman ng Student Council. Diba dapat i-meeting mo muna ngayon ang mga kasamahan mo sa Student Council?”

“Um, I’ve already messaged them that we will have our meeting tomorrow. First day of school palang naman e.”

“Kahit na. Baka isipin nila ang iresponsable mo. Kailangan natin ‘yang posisyon mo para mapanatili ang kapangyarihan ng grupo natin.”

“Tama si Empress, Venice. Next time nalang tayo lumabas. Sasamahan ko na si Empress.” sabay halik ni Craine sa pisngi ni Venice.

Umalis na din naman agad sila at naiwang bigo si Venice.

+

“Pre, ilabas na mga alak diyan! Inuman na. We survived first day of school! Ga-graduate na tayo!” sigawan ni Sean pag-upo palang sa sofa ng bahay nila Trex.

Binatukan naman ni Samantha si Sean. “Ulol. First day pa lang pero kung makaakto ka sure na na maka-graduate ka. Think twice, Sean. Tanungin mo ang sarili mo kung ‘di ka ba bobo.”

“Aray naman, Samantha. Grabe ka talaga sa ‘kin. Tol, sawayin mo naman ‘tong girlfriend mo. Lagi nalang e.”

“Bakit? Bobo ka naman talaga a?” Sabay na tumawa sina Samantha at Dwight pagkatapos ng sagot ni Trex.

“Grabe. Kinakawawa niyo lang talaga ako sa grupo na ‘to.”

“Kadramahan mo Sean. Iinom nalang natin ‘yan.”- Dwight.

Pinakuha na ni Trex ang mga alak sa ref nila at nagsimula nang mag-inuman ang apat. Napatigil lang sila sandali nang marinig ang boses ni Tanaya, ang kapatid ni Trex. “Andito na pala kayo, Kuya.”

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon